Chapter 3

1252 Words
Pabigla ang ginawang pagmulat ni Sam sa kanyang mga mata. Napansin niyang umaga na pala at nasa loob siya ng isang van na hindi niya alam kung sino ng may-ari. "B-Boss, maawa ka sa akin. Hindi ko naman sinasadya na itakbo ang pera mo. Talagang nagipit lamang ako." Mula sa pagkakahiga sa naka-recline na upuan ng sasakyan ay bumangon si Sam nang marinig niya ang nagmamakaawang boses na iyon ng isang lalaki. Nakita niya sa labas ng sasakyan ang lalaking nagtangkang humalay sa kanya na nakaluhod sa harapan ng isang lalaki. Sa gilid naman nito ay nakatayo ang dalawang lalaki at sa likuran naman ay dalawa pang lalaki ang nagbabantay rito na pawang malalaki ang bulto ng katawan. Talagang walang kawala ang rapist na iyon dahil hindi siya makakatakas sa kanila. Hindi naman mga mukhang goons ang apat na lalaking iyon dahil ang totoo ay maayis ang kanilang mga hitsura. Mga guwapo sila ngunit sa tingin ni Sam ay mas guwapo ang lalaking tinatawag nilang "Boss". Matanggad ito, malaki rin ang katawan at halatadong batak sa exercise ang katawan na humahakab sa suot nitong t-shirt na kulay puti. Tyller. Bago siya hinimatay ay natatandaan niyang tinawag itong Boss Tyller ng lalaking nakaluhod na Delfin naman ang pangalan. Sa tingin ni Sam ay papasang artista o model si Tyller. Bakit kaya hindi na lang ito naging celebrity kaysa maging pinuno ng isang gang? Tiyak na maraming babae ang mahuhumaling sa kanyang kaguwapuhan. "Maawa? Bakit, Delfin? Naawa ka ba sa mga kasamahan mong hindi nakasahod dahil itinakbo mo ang perang kinita ng aking casino? Sana naisip mo iyon bago ka gumawa ng makakasira sa'yo," mariin ang boses na sagot ni Tyller sa lalaki. "Boss, ihulog na lang kaya natin ito sa bangin para makatipid pa tayo sa bala ng baril," nakangising suhestiyon ng lalaking medyo maitim ngunit guwapo rin naman. "Tama ka diyan, Caleb. Wala pang magiging ebidensiya na pinatay natin siya dahil iisipin lamang ng mga tao na nahulog siya sa bangin. Iyan ay kung may matitira pang laman sa katawan niya matapos siyang pagpiyestahan ng mga mababangis na hayop sa gubat," sang-ayon naman ng lalaking nasa likuran ni Delfin sa sinabi ng lalaking Caleb ang pangalan. "Huwag, Boss! Huwag! Maawa ka sa akin. Ayoko pang mamatay," hintakot na pagmamakaawa ni Delfin. Sa tingin ni Sam ay hindi naman seryoso ang dalawang lalaking iyon sa kanilang suhestiyon na ihulog na lamang sa bangin ang katawan ni Delfin. Masyado lamang duwag si Delfin kaya takot na takot na totohaning ihulog ito sa bangin. Inilibot ni Sam ang kanyang paningin sa paligid at natuklasan niya na kaya pala may bangin ay dahil nasa mataas na bahagi sila ng lupa. Para bang nasa mataas na lugar sila sa Tagaytay. Ibinalik ni Sam ang kanyang tingin sa mga lalaking nasa labas ng sasakyan. Baka totohanin nila ang suhestiyon ni Caleb na ihulog na lamang si Delfin sa bangin ay hindi siya papayag na gawin nila iyon. Kahit na masamang tao at rapist si Delfin ay hindi naman niya gugustuhing makakita ng taong nahuhulog sa napakataas na bangin na kanyang nakikita. Binuksan ni Sam ang pintuan ng van para lumabas. Gumawa ng ingay ang pagbubukas niya ng pintuan kaya napatingin sa kanya ang limang kalalakihan na nasa labas. Naudlot ang tangkang paglabas niya nang makasalubong ng kanyang paningin ang magagandang mga mata ni Tyller. Sa tingin niya ay mas maganda pa ang mga mata nito kaysa sa kanya. Sinamantala naman ni Delfin ang saglit na pagkakabaling ng atensiyon ni Tyller at ng kanyang mga tauhan kay Sam. Mabilis nitong naagaw ang baril ng lalaking nasa tabi nito. "Watch out!!!" malakas na sigaw ni Sam nang makitang itinutok ni Delfin ang naagaw na baril sa isang tauhan ni Tyller. Kinalabit nito ang gatilyo at pinaputukan si Tyller ngunit mabilis na nakailag ang huli. Isang malakas na sipa sa tiyan ni Delang pinakawalan ni Tyller. Napasigaw ng malakas si Delfin nang bigla itong lumipad papunta aa bangin at deretsong nahulog papunta sa ibaba. Natulala naman ni Sam nang masaksihan ang pagkahulog ni Delfin sa malalim na bangen. Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakakita ng taong nahulog sa mataas na bangin. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad siyang lumabas sa van at patakbong lumapit sa gilid ng bangin para silipin ang kinabagsakan ng katawan ni Delfin. Wrong move ang ginawa ni Sam dahil nang makita niya kung gaano kataas ang bangin ay bigla siyang nalula at nahilo. Kung hindi lamang siya maagap na nahila ni Tyller ay tiyak na sumunod na siya kay Delfin papunta sa ibaba ng bangin. "Are you crazy? Bakit ka lumapit sa bangin? Paano kung hindi kita nahila kaagad? Tiyak na pagpipiyestahan din ng mababangis na hayop ang katawan mo!" galit na sita ni Tyller kay Sam. Hindi maintindihan ni Tyller kung bakit nakaramdam siya ng labis na pag-alala nang makita niyang tumakbo patungo sa gilid ng bangin ang babae at muntikan na itong mahulog. Hindi naman niya ito kilala kaya wala dapat siyang pakialam sa kanya sakaling mahulog man siya sa bangin. "Sorry. Pero hindi naman ako nahulog. Iniligtas mo ulit ang buhay ko," sagot ni Sam kay Tyller. Tinapunan lamang ng masamang tingin ni Tyller si Sam at hindi sinagot ang kanyang sinabi. "Umalis na tayo bago pa may makakita sa atin na mga tao," kausap ni Tyller sa mga tauhan niya pagkatapos ay muling hinarap si Sam. "Tandaan mo na wala kang nakita at wala kang narinig. Kapag magsumbong ka sa mga pulis ay ihuhulog ko rin ang katawan mo sa bangin na iyan," mariing banta ni Tyller kay Sam bago tumalikod at naunang pumasok sa loob ng van. Sumunod kay Tyller ang mga tauhan niya at naiwan si Sam sa labas ng van na nananatiling nakatayo at nakatingin lamang sa kanila. "Hindi ka ba sasakay? Ayaw mo bang umuwi? O baka gusto mong manatili na lamang dito?" tanong ni Cakeb kay Sam nang makitang hindi siya sumunod sa kanila. "Ha? Oo. Sasakay na ako," mabilis na sagot ni Sam bago tumakbo at sumakay sa loob ng van. Kahit na pinagbantaan ni Tyller ang buhay ni Sam ay hindi niya makapa sa kanyang sarili na natatakot siya sa kanya. Nasaksihan niya kung paano pinatay ni Tyller si Delfin ngunit nakapagtataka na sa halip na takot ay paghanga ang nararamdaman niya para sa lalaki. Hindi mawala sa kanyang isip ang cool na pag-iwas nito sa bala ng baril na hawak nito at ang ginawang pagsipa nito sa lalaki. Pakiramdam niya ay para siyang nanuod sa shooting ng isang action movie at si Tyller ang bida. Hindi sinasadyang napatingin si Sam sa salamin na nasa loob ng sasakyan. Mula sa salamin ay nakikita niya si Tyller. Tila naman naramdaman nito na nakatingin siya sa kanya kaya bigla itong tumingin sa salamin kaya nagtagpo ang kanilang mga paningin. Bigla sitang nakaramdam ng pagkapahiya kaya agad niyang itinutok sa labas ng sasakyan ang kanyang mga mata. Napahawak si Sam sa tapat ng kanyang dibdib nang maramdaman niya ang biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Great, Sam! Muntik ka na ngang magahasa, nakakita ka pa ng taong pinatay at nahulog sa bangen ay nagawa mo pang makaramdam ng atraksiyon sa isang mamamatay tao, sermon kay Sam ng isang maliit na tinig sa kanyang isip. Ngunit ipinilig lamang niya ang kanyang ulo para mawala ang tinig na iyon. At batid ni Sam na hindi lamang simpleng atraksyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Mukhang na-love at first sight yata siya kay Tyller, ang kanyang tagapagligtas.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD