"C'mon, Laraya! Ang tagal mo!"
Bagot akong bumaba ng bus nang nagreklamo si Guia. We're here at Indang, Cavite. Actually, hindi ko feel na mapadpad man kami dito sa Probinsiya. Pumunta lang naman kami dito dahil na rin sa pakiusap ni Lola, anak niya ang mama ko at ang mama ni Guia. So magpinsang-buo kami ni Guia.
"Dalian mo, Laraya! I'm starving!" Pangungulit na naman ni Guia habang kumakaway sa akin para lumapit sa kaniya at nakahawak siya sa nilapitan niyang tricycle. Iyon nalang ang masasakyan namin para makarating sa mismong destinasyon.
Nasa loob na pala ang mga gamit namin. Kakaunti lang naman 'yun dahil magbabaksyon lang naman kami.
Nagbuntong-hininga ako't lumapit sa kaniya. Nauna na siyang sumakay sa loob ng tricylce at sumunod na ako sa kaniya.
Medyo mainit pa. Ala una y media na kami nakarating dito sa probinsya. Matagal na din ako hindi nakabisita dito. Ang huling punta ko kasi dito mga walong taon gulang pa ako. Ngayong disinuebe anyos na kami ni Guia ay paniguradong dayo lang kami dito. Lalo na't wala naman kaming kakilala dito maliban nalang kina Lola at sa isa pa naming pinsan na kasama ni Lola sa bahay nito ngayon, may karamdaman na din si Lola kaya naman kailangan niya ng makakasama sa bahay. Hindi naman pupwede si mama dahil abala ito sa trabaho, si tita Glenda naman ay nasa Amerika at doon ang trabaho niya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ko ang mga nadadaanan namin ang mga malalawak na kapatagan at mga iilang baka at kalabaw na matibay na nakatayo sa gitna ng init ng araw at abalang kumakain ng d**o.
May mga namamataan din aking iilang mga bata na mukhang masayang naglalaro kahit ang init-init pa. Hindi yata uso ang siesta sa kanila.
"Laraya, nandito na tayo sa probinsya. Lubusin na natin saka, huwag kang KJ! Napag-usapan na natin 'yan bago tayo umalis sa Maynila." Paalala ng makulit kong pinsan.
Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ang kulit mo naman, Guia. Oo na nga, eh. Saka, hindi naman tayo tatagal dito para naman makapag-exam ako sa Centro Escolar, diba?"
Siya naman ang napangiwi. "Grabe ka, hanggang dito ba naman iniitindi mo ang pag-eexam mo sa University na 'yun? Grabe, waley na aketch sey sa pagiging studious mo." Saka tumawa siya.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Ibinaling ko nalang ng aking paningin sa mga lugar na nadadaanan namin. Pansin ko din na tahimik dito. Probinsyang probinsya ang lugar na ito. Malayong malayo sa nakagisnan kong lugar sa Maynila. Free-polluted pa. Paniguradong marami din natatagong magagandang lugar sa Cavite. Sana nga mag-enjoy ako dito.
Tumigil ang tricycle sa isang gate ng mismong bahay na pinagtigilan namin. Nauna akong bumaba. It's an old style house. Pero napapansin pa rin ang pinepreserve ang bahay na ito. Napansin ko din na mukhang malawak ang bakuran. Punong-puno ng mga halaman at bulaklak ang bawat sulok. May mga puno din. Maganda ang pagkalandscape, sakto dahil mahilig sa mga ganyan si Lola.
"Salamat po, Manong." Dinig kong sabi ni Guia sa tricycle driver nang tinulungan siyang ilabas ang mga gamit namin mula sa loob. Lumingon ako sa kanila. Nagbigay ng pamasahe ang pinsan ko sa driver. "Salamat ulit, Manong!" At may gana pang kumaway! Aba, close sila?
"Nariyan kaya sina Lola?" Tanong ko kay Guia sabay kinuha ko ang back pack ko't isinuot 'yun.
"Hindi ko lang alam. Siguro." Walang kasiguraduhan sa hitsura niya nang sagutin ako. "Pero mabuti pa, pumasok tayo." Saka hinatak na niya ang kaniyang maleta't tinulak ng dahan-dahan ang gate.
Nagkibit-balikat akong sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasang mamangha nang nakatapak na kami sa loob ng lupain na ito. Mas lalo gumanda sa paningin ko na mas maraming halaman at mga bulaklak na nakapaligid sa bahay.
"Tao po? Lola?" Malumanay na tawag ni Guia habang humahakbang kami palapit sa mismong pinto ng bahay. Kumatok kami.
May nagbukas ng pinto. Tumambad sa amin ang isang babae na kasing edad lamang namin. Parang pamilyar siya sa akin... Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan.
"Guia? Laraya?" Gulantang bungad ng babae sa amin.
Nagkatinginan kami ni Guia. Kilala niya kami?
Nilapitan niya kami't niyakap nang hindi inaasahan. "Ay, nakakatampo naman! Si Emily ito! Yung pinsan ninyo din. Anak ni Ka Tyago--"
Hindi na magawang tapusin nung Emily ang sasabihin niya nang biglang tumili si Guia.
"Oh my god! Ikaw na 'yan, Emily? Shocks! Hindi na kita nakilala!" Saka tumingin siya sa akin. "Cous, siya si Emily! 'Yung batang babae na kasama natin tuwing may Family Gathering tayo dito! Siya 'yung lagi nating kasama, 'yung kababata daw niya si..." Hindi na niya magawang tapusin ang kaniyang sasabihin nang biglang may tumawag kay Emily mula sa looob ng bahay.
"Ay, pasok muna kayo. Nakalimutan ko tuloy si Lola. Kanina pa niya kayo hinihintay. Nasa salas lang siya. Puntahan ninyo muna, ako na muna ang bahala sa mga gamit ninyo't idadala ko nalang muna sa mga magiging kuwarto ninyo." Aniya saka kinuha na niya sa amin ang mga gamit namin.
Hinatak naman ako ni Guia at talagang kinaladkad pa niya akong pumunta kung nasaan si Lola.
"Lola!" Bulalas ni Guia nang makita namin si Lola na nakaupo sa kaniyang rocking chair.
"Guia! Laraya!" Napatayo si lola muna sa kinauupuan niyang rocking chair. She extended her arms to give us a hug. "Ang mga apo ko..."
Sabay namin siyang niyakap ni Guia. "We miss you, lola." Malambing naming sabi.
"Mabuti nalang at hindi kayo naligaw dito." Malapad ang kaniyang ngiti at tila pinag-aralan niya ang mga hitsura namin. "Dyosko, ang lalaki na ng mga apo ko... Ang dadalaga na... at lalo kayong gumanda!"
Napayuko ako. May mga nagsasabi din naman sa amin ni Guia na maganda kami, pero ako kasi hindi sanay sa ganoong papuri. Feeling ko kasi wala akong confident, hindi tulad ni Guia na kaya niyang dalhin ang kaniyang sarili.
"Naku, lola. Syempre, hindi rin kami ganito kaganda ni Laraya kung hindi dalhin sa inyo." Saka humalakhak siya. Ganoon din si lola.
"Oh, ang mabuti pa kumain na muna tayo. Nakahanda na si Emily ng tanghalian natin. Mabuti nalang pala ay nakarating kayo ng ganitong oras. Paniguradong gutom na kayo." Paanyaya ni lola saka inaalalayan namin siya patungong kusina.
Panay kwentuhan ang ginagawa namin habang nasa hapag. Si Emily pala ang sinasabi ni mama na nag-aalaga ngayon kay lola. Nagkukwento din naman kami ni Guia kung ano ang buhay namin sa Maynila. Kung ano ba ang mga pinagkakaabalahan namin. Napag-alaman din namin na kakatapos lang ni Emily ng Senior High School at ngayon ay balak niyang mag-aral sa isang State University para kumuha ng Education.
Plano ko sanang mag-aral ng Pharmacy sa Centro Escolar sa Mendiola, Maynila. Naenganyo kasi akong magbasa ng mga sulat-doktor. Samantalang si Guia naman ay balak niyang kumuha ng Mass Communication pero hindi pa niya lang alam kung saang eskuwelahan.
Pagkatapos namin kumain ay tutulungan sana namin si Emily na maghugas ng pinagkainan pero tumanggi ito. Kaya ang ginawa nalang namin ni Guia ay magligpit ng mesa saka tinungo namin ang magiging kuwarto namin.
Sa iisang kuwarto lang pala kami ng pinsan ko, okay na din. Nang pumasok na kami sa kuwarto ay hinawi ni Guia ang kurtina. Napangiti kaming dalawa nang dumungaw kami sa bintana. Kitang kita mula dito ang malalawak na taniman ng mga prutas dahil nasa bandang dulo ang subdivision ang bahay na ito, ang linis tingnan at pati na din ang simoy ng hangin... ang linis! May natatanaw din akong ilog.
"It's relaxing," ani Guia. "Tamang tama sa isang summer vacation."
"Yeah, you're right." Sang-ayon ko naman. May dalawang kama dito. Single beds. Nilapitan ko ang isa at inilabas ko na ang mga gamit ko mula sa aking bagpack. Ganun din ang ginawa ni Guia.
"Cous," tawag ng pinsan ko sa akin na nakangisi. Parang alam ko na ang gustong ipahiwatig nito, ah.
"Ano? "
"Pagkatapos natin dito. Mamasyal naman tayo. Para mas lalo tayo mag-enjoy sa bakasyon na ito!" Saka inalabas niya ang kaniyang phone at nag-selfie. "Ayan, may maipopost na naman ako sa i********: ko!"
Sabi ko na nga ba.