When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Nang magising si Brent ay naramdaman niya ang pagsakit ng kanyang batok, dali-daling napadilat at nakitang nasa loob siya ng isang silid. Inikot niya ang kanyang tingin at nakita ang lalaking nakaupo sa sofa sa gilid ng silid. Nang mapansin nitong gising na siya ay lumapit ito. Unti-unting lumihestro sa isipan ang mukha ng lalaki, ito ang lalaking kausap ni Salvador sa bar noong sundan ito. "Nasaan ako?" bulalas niya sa lalaki. "Calm down, nasa hotel ka," wika ng lalaki. "Nasaan si Salvador?" maang na tanong sa lalaki. "Nang magkagulo sa bar kanina ay tumakbo siya," imporma ng lalaki. "Sino ka?" tanong niya rito. Kailangang malaman niya kung kakampi ba ito ni Salvador. "I'm Frank Ledesma," pakilala ng lalaki. "Bakit kausap mo si Salvador kanina sa bar?" untag ni Brent na tanong