Natawa si Adonis sa biro ng matanda, ayaw niyang umamin at mas lalong ayaw niyang mabuko nito. "Naku, manang mukhang nang-iintriga ka baka marinig ka ni Zara at mas lalong umunit ang dugo niya sa 'yo," pabirong tugon ni Adonis sa matanda na kinatawa naman nito. "Kahit kumulo pa ang dugo niya sa 'kin, sir, I don't care!" bulalas naman ng matanda na kinatawa nilang dalawa. Nang bigla ay pukawin sila nang malakas na boses ni Zara. "Ako ba ang tinatawanan mong natanda ka!" galit na sugod ni Zara buhat sa kung saan. "Bakit narinig mo ba ang pangalan mo, ma'am?" anang ni Manang Rosa. "Hindi!" pagalit na sagot ni Zara. "Hindi naman pala, bakit feeling mo ikaw agad ang pinag-uusapan namin?" dagdag ni Manang Rosa nang tuluyang manggigil si Zara at susugurin sana ang matanda. "Tama na 'yan,