Kunot-noo si Camilla nang makitang gula-gulanit ang suot ni Zara na lumabas sa pinakadulong silid kung saan ay inaukupa ni Brent. 'So, totoo nga,' anang ng isipan. Hindi lang pala paratang o hinala si Mr. Del Fuego ang sinasabi nitong may relasyon ang dalawa. Nakitang luminga-linga pa si Zara bago nito binuksan ang silid. Ayaw man ni Camilla na maging green minded pero sa nakita niyang hitsura ni Zara ay hindi malayong may nangyari sa kanila ng lalaki at pinsan pa talaga ng kasintahan nito. Napapabuntong-hininga na lamang si Camilla na isinara ang pinto ng silid. Lulugo-lugong bumalik siya sa kanyang kama pero kahit ilang beses na bumalik sa pagtulog ay tila nagising na ang buo niyang diwa. Mas lalo pang naukup ang isip nang maalala ang kanyang panaginip. "Oh God forgive me," usal niy