Zaire Emerald Xermin's Pov Nagising nalang ako sa malakas na tunong ng cellphone ko. Damn it! Ang aga-aga, lakas ng loob makapang-istorbo ng tulog. Bumangon ako at lumapit sa centre ale kung nasaan ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at mabilis na sinagot. "Hello." "Good morning, My Princess." masayang bungad ni Kuya Zeron. "Ang aga mong tumawag, Kuya." Naupo ako sa carpet at sumandal sa gilid ng kama. Halos nakapikit pa ang mga mata ko dahil sa antok. Idagdag pa na namamaga ito dahil sa pag-iyak ko kagabi. "Pauwi na kasi ako sa Trost. Di ba, ngayon din ang uwi mo?" "Yeah, pero hindi yata ako makakauwi." Una sa lahat, siguradong mahahalata nila ang pamamaga ng mga mata ko at hindi nila ako titigilan hangga't hindi nalalaman ang dahilan ng pag-iyak ko. Pangalawa, matapos ang nangyari kag