Their second encountered for real...

1689 Words
I SEE A MONSTER CHAPTER TWO Abegail suddenly wake up, as if she heard something. Something that familiar with her, and the scent are also familiar. Hindi muna siya kumilos upang mas mapakiramdaman niya pa ang kanyang naririnig mula sa 'di- kalayuan. Slowly, bumangon siya kinapa niya ang nakakabit na swero sa kanyang kamay at inalis iyun. Dahan- dahan siyang bumaba ng kama at tumayo. Pinakiramdaman niyang muli ang paligid, sa tingin niya malapit lang ang bintana. Dahan- dahan siyang humakbang patungo sa kinaroroonan ng bintana. Ilang sandali pa ay nakakapa na niya ang grill ng bintana. Humarap siya at dumungaw ng kaunti, naramdaman niya ang haplos ng hangin na dumampi sa kanyang balat. "Are you there?" Wika niya, sapat lamang na lakas ng kanyang boses. She heard a growl not far away, she smiled a little bit. "Don't worry, hindi sila naniniwalang mayroong kagaya mong werewolf. And don't worry also, I'm okay!" Muli niyang sinabi. Again, she heard something out there. Alam niyang malalim na ang gabi. At ramdam niyang maliwanag ang buwan sa labas. She didn't know why she had a strong feeling about her environment now. Magsasalita pa sana siya nang biglang magsalita ang kanyang mommy. "What are you doing there, Abby?" Agad na tanong ng kanyang Mommy. Narinig niyang pinindot nito at switch ng ilaw. Kaagad na lumapit ito sa kanya at inakay siya pabalik sa kama. Pinaupo siya roon at alam niyang magkasalubong ang kilay nito. Nakapameywang sa kanyang harapan, at tinitimpi ang kanyang galit para sa kanya. "Abby, what are you doing huh?" Mariin nitong tanong. "Nothing! I just want to smell, fresh air." Pagkakaila niya. "For God sake, Abby! Paano kapag nahulog ka sa bintana, at nabagok ang ulo mo?" Sermon ng Mommy niya. Bahagya siyang ngumiti. "Don't worry, nasa first floor ako ng hospital na ito. You're over reacting again," sagot niya. Natahimik ang kanyang ina, bumuntong- hininga ito. "Inalis mo pa 'yang, swero mo. Are you well enough, to remove that?" Sermon pa rin ng Mommy niya. "I'm okay now, Mommy! I want to go home tomorrow, mas manghihina ako rito." Pang- iiba niya ng usapan. Hindi sumagot agad ang kanyang ina. Alam niyang pinagmamasdan siya nito nang maiigi. "Don't stare me like that, Mommy." Wika niya. Napakurap- kurap ang Ginang. "Are you sure?" Tanong kanyang ina. Tumango siya. "Gusto ko, sa dati nating bahay. Sa bahay kung saan ako, nagbabakasyon." Muling sabi niya. "No! Nang dahil sa bahay na iyun, nabulag ka. Habambuhay na maalala mo ang pangyayaring iyun anak, kung doon ka titira." Tutol ng kanyang ina. "Kung gusto mo akong gumaling, doon ako titira. Doon malayo ako sa mga taong mapanghusga, kailangan ko ng space Mom!" Determinado niyang sabi. "But Abegail, malayo ako sa'yo! Gusto ko lagi kitang nakikita, alam mo naman ang trabaho ko." Tutol pa rin ng Mommy niya. "Sasamahan ako ni Yaya, I want to be alone for the mean time." Desidido pa ring sinabi niya. Her mother sighed and feel sad. She look at her daughter, sitting in the edge of the bed. The tears come out in her eyes and cover her own mouth. Not to make noise that she is crying. "I'm not dead, Mom. Stop crying, you're making me more weaker than I thought. I am not miserable, don't feel pity on me." Tahasang wika ni Abegail. Pero deep inside, naawa rin siya sa kanyang sarili. Gusto niya ring umiyak pero, she hold her tears. No one can help her but kung hindi ang kanyang sarili. Humiga siya nang patagilid. Ipinikit niya ang kanyang mga mata kahit hindi siya inaantok. Gusto na niyang lumabas, gusto na niyang tanungin ang werewolf na kanyang nakita. Lalo pa't sinundan siya ng wolf na iyun dito sa hospital. Kinabukasan. Pumayag na rin ang doktor na ma- discharge na si Abegail. Mga follow check up na lamang ang kanilang gagawin. Kailangan niyang mag- foll check up, while waiting the available donor for her eyes. Pumayag siya basta, sa Sta. Monica ito titira. Wala namang nagawa ang kanyang Mommy. Kasama ang kanyang Yaya, hinatid nga sila roon. Ilang oras lang ay, nakarating na sila. Inalalayan siya ng Yaya Dely niya palabas ng sasakyan. Narinig niya ang tahol ni Avatar, alam niyang tumatakbo ito papalapit sa kanya. "Hey, buddy! Come here!" Masaya niyang tawag sa alaga. Agad siya nitong dinilaan, at humahalinghing pa na nagpakarga si Avatar sa kanya. Tumawa siya at hinalikan ang alaga. "Dely, make sure she won't hurt again. Kasama niyo sina Aling Nemie at Mang Fabian, sila ang care taker ng bahay." Bilin ni Ara sa matanda. "Opo, madam!" Sagot ng katulong. Sinulyapan ni Ara ang kanyang anak, nakikipaglaro na ito sa alaga niyang aso. Nakahinga siya nang maluwag kahit papaano. Siya namang paglapit ng mag- asawa. "Kayo na ang bahala sa anak ko. Siguraduhin niyo lang na, wala nang mangyayari sa kanya na hindi maganda." Bilin niya ulit habang pinaglipat- lipat niya ang tingin sa mga kaharap. Sabay- sabay na tumango ang mga ito. "Nextweek, Yuri will be here. Magsisilbi siyang bodyguard ni Abegail." Muli nitong sabi. Nag- usap pa sila sandali, nang maayos na ang lahat ay saka lamang umalis si Ara. Nagpaalam na siya sa kanyang anak at binilin niya ito nang husto. Nangako naman si Abegail sa kanya kaya, magaan ang kanyang dibdib na umalis na roon. Agad namang nagkulong si Abegail sa kanyang kwarto, pagkaalis ng Mommy niya. She is excited to hear the werewolf this night. She's sure that the werewolf will come out to see her, this night. And she can't wait any longer , she just want to see also the werewolf. Until the night has come. She opened her eyes when she heard something that familiar. Agad siyang bumangon at kinapa ang kanyang tungkod. This serve as her guide if she want to go in some directions. At dahil, sanay na siya sa loob ng kanyang kwarto madali niyang napuntahan ang bintana. Kinapa niya ang button nito upang mabuksan. Dumampi sa kanyang pisngi ang malamig na simoy nang hangin. Napapapikit siya sandali at nilanghap iyun. "I know you are somewhere in dark, and watching me over there." She uttered. She heard a little growl, ngunit may kumaluskos malapit sa kanya. Pinakiramdaman niya ang kanyang paligid. May narinig siyang parang naghihingalo at tila nanghihina. "Sino ang nandiyan?" Kinakabahang tanong niya. Naramdaman niyang may tao at hindi ang malaking aso na kanyang hinihintay. Napaigtad siya nang may lumagabag sa pintuan ng kanyang kwarto. Bumilis ang t***k ng kanyang puso at sabay lunok. Marhan niyang tinungo ang pinto habang humigpit ang hawak niya sa kanyang tungkod. Kung sino man ito, sisiguraduhin niyang mamamarkahan niya upang may ebidensiya kapag nagkataon. Natigil siya sandali sa paglapit sa kanyang pintuan. "H- help!" Paos ang boses na sabi ng taong nasa labas. Hindi siya sumagot. "Please, help me!" Wika na naman ng tao. Hindi niya alam kung pagbubuksan niya ito o hindi. Ngunit may parte sa kanyang isipan na nagsasabing pagbuksan niya ito. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" Lakas- loob na tanong niya ulit. Umungol ang tao sa labas, tanda na nahihirapan na siya. Napapikit siya, naaamoy niyang tila duguan ito. Nakahandusay at naghihingalo. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at binuksan ang pinto. Magsasalita sana siya nang may mabigat na katawan ang dumagan sa kanya. Dahilan upang mapaatras siya at mawalan nang balanse. Kaya ang siste, nabuwal siya kasama ang dumagan sa kanya. Habol niya ang kanyang hininga at pilit itinulak kung sino man iyun. Nang maalis na niya mula sa pagkakadagan sa kanya ay agad siyang bumangon. Kinapa niya ang tao, hinanap niya ang bandang ilong nito. Idinantay niya ang kanyang isang daliri upang alamin kung humihinga pa ba ito. Nakahinga siya nang maluwag dahil humihinga pa ito at muling kinapa ang kanyang tungkod. Mabilis niyang kinapa ang pinto at isinarado iyun. Humihingal siyang napasandal sa likod ng pintuan. Hinahamig niya ang kanyang sarili at huminga nang malalim. Muli niyang kinapa ang tao sa sahig, basang- basa ito at parang malagkit. Inamoy niya ang kanyang kamay na humawak sa katawan ng tao, amoy dugo! Napalunok siya at hindi kaagad nakakilos. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Unti- unti siyang tumayo at tinungo ang medicine cabinet niya. Inilabas niya ang bulak at alcohol, pati ang tinanta niyang betadine. Bumalik siya sa taong nakahandusay sa kanyang sahig. Muli niya itong kinapa, lalaki pala ito! Matigas ang katawan na alam niyang malalaki ang mga masel nito. Kinapa niya ang damit nito at sinira iyun, kinapa din niya ang lahat ng parte ng katawan nito. Bawat alam niyang sugat nito ay kanyang dinadampian nang bulak na may alcohol. At pagkatapos ay pinapahiran niya ng betadine. Napapaungol naman ang lalaki sa kanyang ginagawa. "Sorry! Kailangan mong tiisin ang hapdi para hindi ma- infection ang mga sugat mo." Sinabi niya sa lalaki. Hindi ito sumagot, alam niyang nahihirapan ito. Natigilan siya nang may makapa siyang matigas na bagay sa tagiliran ng lalaki. "You shot by an arrow!" Bulalas ng dalaga. Nataranta siya, hindi niya alam kung huhugutin niya o hindi. "Oh my God! What I gonna do?" Bulong niya sa kanyang sarili. "J-just do it! Pull it out," nanghihinang sagot ng lalaki. Nanginig ang kanyang kamay na nakahawak sa palaso. "Are you sure?" Tanong niya ulit. "Do it! I will help you," sagot ulit ng lalaki. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at mahigpit na humawak sa kanya. "Now!" Turan ng lalaki. Napapikit siya at buong lakas niyang hinugot ang palaso. Impit na napadaing ang lalaki. She heard his moaned in pain and his teeth gritted. "Don't move! I will cover it with this cotton," pigil niya nang akmang babangon ito. Hindi nga gumalaw ang lalaki at inalis ang kamay nito na nakatakip sa kanyang tagiliran. Pagkalagay niya ay agad pinahiran nang betadine. Muli niyang nilagyan ng bulak at nilagyan nang gasa, saka dinikitan ng masking tape. "There, okay now! But, how did you get here?" She remembered saying. Hindi sumagot ang lalaki, bagkus ay hinaplos nito ang kanyang mukha. "Sleep now, Abegail!" Anas nito. Pagkasabi nito ang katagang iyun ay, naramdaman na lamang ni Abegail na hinila na siya nang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD