"WE'RE ALL gather here today to witness the union of two hearts promising an eternal love for each other..." Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang ibang mga sinabi ng pari. Nakatitig lang ako ngayon sa lalaking pinangarap kong makasama habang buhay. Na nagkakatotoo na ngayong araw. Finally I'll be MRS. JADE EMERALD PEREZ DE LARRA. Tapos ang cute cute pa ng anak naming si Rosemarie. She's one years old today. Double celebration. Iyon ang alam ng marami, but for me it's triple. Hindi pa alam ni Ivan na buntis na naman ako. Ang tulis kasi, minsan lang ulit may nangyari samin after kong manganak kay Rose at heto na nga. Buntis na naman ako sa pangalawang anak namin. Wala pang ibang nakakaalam ng tungkol sa pagbubuntis ko. Tanging ako at ang OB ko lang. But today I'll say it