Naging masaya ang relasyon namin. Hindi na ako pumapasok pa sa bar, hindi na ako pinapayagan ni Kevin kaya ako nalang mag-isa sa apartment. "Wala ka bang lakad ngayon?" Tanong ni Rosa na nagmamadaling nagsuot ng sandal nito. Saan naman kaya ito pupunta? "Wala eh, san ang punta mo?" Tanong ko, bihira lang kasi ito umaalis ng umaga. "May imi-meet ako." Kinindatan niya ako, nakabungisngis ang gaga! "Ingat ka." Wika ko. "Ikaw rin, bye." Bumaba na ito, narinig kong pumihit ang pinto kaya nakalabas na si Rosa. Ako naman ay inihanda ko ang damit ;at pambahay na aking susuotin pagkatapos maligo. Umaga palang mainit na. Kinuha ko ang roba at hinubad ko ang ang aking dapit at short, isinama ko na rin ang aking saplot, wala namang tao kaya okey lang! Sinuot ko na ang aking roba at pumasok sa