PROLOGUE

330 Words
"Tay pangako ko pong iaahon kita sa hirap,  magsusumikap ako sa Manila para magkaroon tayo masaganang buhay." Ani ni Rosette sa kanyang ama. Dise-otso palang ay sanay na siya hirap,  huminto siya ng pag-aaral habang siya'y first year college.  Wala na ang kanyang ina,  maaga itong kinuha sa kanila dahil may sakit ito. Matanda na rin ang kanyang ama kaya hindi na nito kayang makipagsapalaran pa! Kung may bubuhay man sa kanilang dalawa ay walang iba kundi si Rosette lamang. Kahit gusto niyang makapagtapos pinagliban niya na lamang ito. Makikipagsapalaran siya. Dumating ang araw na aalis na si Rosette ang kanyang ama ay hinabilin niya kanyang ante kapatid ng Tatay niya. Nangako naman itong aalagaan nito ang Tatay niya. Pagdating pa lamang ni Rosette sa Manila hindi na niya gusto ang lugar; maingay,  mabaho at magulo. Wala na siyang pagpipilian. Kinuha ni Rosette ang cellphone niya at tinawagan ang dating kaklase,  ito ang tutulong sa kanya para makahanap ng trabaho. "Rosa,  nandito na ako sa terminal." Ani ni Rosette sa kaibigan nitong nasa kabilang linya ng tawag. Sinabihan siya ng kaibigan na maghintay na lamang at malapit na ito. Ilang sandali pa'y dumating na si Rosa, napaka-eksi ng suot nitong short at halos lumuwa na ang dibdib nito. Nagulat si Rosette sa malaking pagbabago ng kanyang kaibigan. Gayunpaman ay nagyakapan silang dalawa at nilisan ang terminal. Dinala siya ni Rosa kung saan siya nakatira. "Alam mo Rosette,  ang ganda mo bagay ka sa trabaho ko ang kaso di mo iyon magugustuhan pero doon ka rin magtatrabaho sa pinapasukan ko bilang waitress. Malaki sahod roon lalo na kapag may tips ang mga costumer. At dito ka na rin titira sa inupahan ko,  dalawa naman ang kwarto rito saiyo yong isa. Hati nalang tayo sa renta rito." Mahabang litanya ni Rosa. "Walang problema sa akin iyon Rosa,  maraming salamat sa lahat Rosa,  tatanawin ko itong malaking utang na loob." "Walang anuman,  kaibigan kita,  alam mo yon." "Oo,  teka,  ano ba ang trabaho mo ngayon?" Tanong niya medyo curious siya. "Prostitute." Sagot ni Rosa na ikinagulat ni Rosette.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD