PROLOGUE
"Inay, pupuntahan po ba natin ngayon si Itay?" tanong ng sampung taong gulang na si Amara sa ina.
"Oo anak, sabi ng Itay mo magpeperya daw tayo mamaya pagkatapos ng kanyang trabaho. Kaya susunduin na natin siya doon." sagot ni Amelia sa panganay na anak, habang inihahanda ang merienda ng asawa.
"Talaga po Inay?! Wow, tinupad po ni Itay ang hiling ko! Ito na po yata ang pinakamasayang birthday ko Inay," tuwang-tuwa at nagniningning ang matang sabi nito sa Ina.
Ilang sandali pa at naglakad na ang mag-iina papunta sa pabrikang pinagtatrabahunan ng kanilang padre de pamilya. Malapit lang kasi ito sa kanilang bahay.
Tamang-tama namang pagdating ng mag-iina, nakabreak na ang ama ni Amara.
Saglit na ibinaba ng Ina ni Amara ang kanyang bunsong kapatid na si Amiel para salubungin ang asawa. Kumakaway naman siya sa Ama habang hawak sa kamay ang tatlong taong gulang niyang kapatid.
Nang biglang...
Isang malakas na pagsabog ang narinig na ikinagulat ng lahat.
Sumabog ang gulong ng truck na ginagamit na pandeliver ng mga bakery equipment at dahil sa bigat ng karga nito,tumagilid ang truck at tuluyang natumba. Nanlalaki ang matang napasigaw ang mag-asawa, nagyakap nalang ang mga ito.
"INAAAYYY! ITAAAAYYY!" umiiyak na paulit-ulit na sigaw ni Amara.
Doon na naglabasan ang mga tauhan ng pabrika. Nagkagulo ang mga ito at tinangkang iangat ang truck na nakatumba sa pagbabakasaling buhay pa ang mag-asawang nadaganan. Halos kalahating oras bago nakuha ang mag-asawa sa ilalim ng truck. Ngunit wala ng buhay ang mga ito, ilang mga trabahador ang naluha nalang sa nangyari. Awang-awa sila sa magkapatid na patuloy pa rin sa pag-iyak.
Niyugyog ni Amara ang duguang mga magulang, animo ginigising niya ang mga ito. Nakita niyang papalapit ang may ari ng kompanya kaya patakbo siyang lumapit dito.
"Don Paco, parang awa nyo na po. Iligtas nyo ang aking Inay at Itay, dalhin nyo po sila sa ospital," nagmamakaawang sabi ng bata sa Don habang umiiyak. Ngunit walang pakundangang itinulak ito ng walang awang Don, napasalampak ang bata sa semento.
Naawa naman ang isang trabahador at tinulungan itong tumayo. Ngunit tinabig niya ito at muling nilapitan ang Don at patuloy na nagmakaawa.
"Alisin ninyo ang mga hampaslupa na yan! Nakakarinding pakinggan ang kanilang boses!" dumadagundong na sigaw ng Don sa mga trabahador.
Dali-daling nilapitan ng isang nagmagandang loob na trabahador ang magkapatid at ilinayo ang mga ito sa lugar na iyon. Ngunit bago tuluyang makalayo ang magkapatid, hindi nakaligtas sa pandinig ng batang si Amara ang bulungan ng ilang trabahador.
"Kaawa-awang Amaro, marahil ito na ang sagot ni Don Paco sa lahat ng pagmamatigas niya. Kung sana'y nakinig lamang siya sa atin, disin sana'y buhay pa siya at ang kanyang asawa," sabi ng isang trabahador.
"Tsk! Tsk! Tsk!" segunda pa ng isa habang pailing-iling.
Tumatak ang lahat ng iyon sa murang isipan ni Amara.
End of Prologue
KABANATA 1
"Sige pa Mariposa igiling mo pa! Whoooohh!" sigaw ng isang lalaking lango sa alak at sinasabayan ang maharot na pagsasayaw ng babae sa entablado ng bar na punong-puno ng costumer. Ito ay walang iba kundi si Amara Sandoval ang anak ng mag-asawang namatay sa pabrika labinlimang taon na ang nakararaan.
Halos lahat ng mga kalalakihan ay naaakit sa angking kagandahan ng dalaga habang walang kapagurang sinasabayan ang ang saliw ng maharot na musikang pumapailanlang sa loob ng bar na kanyang pinagtatrabahunan.
Makikita ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, andoon ang matinding pagkasuklam sa lahat ng mga kalalakihang nandoroon, sa amoy ng alak, sa nakakasukang amoy ng sigarilyo at maging sa kanyang sarili.
Hindi dapat siya nasadlak sa ganong pamumuhay, kung nabubuhay lang sana ang kanyang mga magulang hindi siya hahantong sa ganito. Kinasusuklaman niya ang bawat sandaling nagbibenta siya ng ngiti at alak sa mga kalalakihan. Wala naman siyang magawa, ito lang ang naisip niyang paraan para makaipon ng pera.
Ngunit kahit malaki ang pangangailangan niya sa pera, hindi niya nagawang ibenta pati ang kanyang puri. Kaya kahit limang taon na siya sa trabahong ito, nananatili pa rin siyang malinis. Ngunit mas nagiging madalas ang pagpupumilit ng kanilang floor manager na sumama siya sa customer na nagnanais na matikman ang kanyang angking kagandahan dahil mas malaki daw ang kikitain nito at pati na rin niya kapag ginawa niya iyon.
Marami ang nangangako ng magandang buhay sa kanya, handa siyang ibili ng bahay, mamahaling sasakyan, damit at kung ano-ano pa makuha lamang ang pagmamahal niya at syempre katawan na rin. Marami rin ang nagtapat ng pag-ibig sa kanya, ang ilan ay kilalang tao pa ngunit ang lahat ay kanyang tinanggihan. Iba ang kanyang hangarin sa buhay, iba ang kanyang inaasam-asam, iyon ay ang maipaghiganti ang walang katarungang pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Malaki-laki na rin naman ang kanyang naiipon pero kulang na kulang pa rin ito para sa kanyang balak na paghihigante. Oo nga at tiyak na mas malaki sana ang kanyang maiipon kung pumayag lamang siya sa kagustuhan ng kanilang floor manager pero hindi pa siya gano'n kasama para gawin ang bagay na iyon. Alam din niya na hindi iyon gugustuhin ng kanyang mga magulang.
Lalong nagkaingay ang mga kalalakihang naroroon, halos maulol-ulol ang mga ito ng ganap na niyang tanggalin ang kanyang bra at tuluyang mahantad ang kanyang malulusog at tayong-tayo niyang dibdib sa mga mata ng mga ito. Bagama't natatabingan ito ng manipis na telang tila lace na kulay pula, hindi iyon naging sagabal sa halos lumuwang mga mata ng nagkakaingay na mga kalalakihan sa loob ng bar.
Lalo niyang pinaharot ang pagsasayaw habang iniikot-ikot sa ere ang hinubad na panloob. At bago matapos ang musika, ihinagis niya ito sa mga kalalakihang halos mabaliw na. Tila nanalo ng isang milyon kung makangiti ang lalaking nakasalo ng kanyang bra. Ilang sandali pa at natapos na ang musika, halos mapuno ng palakpakan at hiyawan ang loob ng bar. Karamihan isinigaw ang kanyang pangalan. Kahit humihingal nakuha pa rin niyang ngumiti at kumaway sa mga ito bago tuluyang magtungo sa dressing room. Tuwang-tuwang sinalubong siya ng floor manager na may ari din ng bar.
"Hija! Punong-puno nanaman tayo ng tao ngayon! Hulog ka talaga ng langit sa akin!" masayang salubong nito sa kanya.
Ngumiti lamang siya dito at nagsimula ng magbihis. Hindi siya nahiya sa may edad na matandang babae, naghubad siya sa harapan nito. Hindi naman maitago ang paghanga nito sa maalindog na katawan ni Amara. Matangkad si Amara, likas na maputi at napakakinis ng balat. Nagtataglay din ito ng napakaganda at maamong mukha, bilugang mga mata na animo palaging nang-aakit kapag tumingin. Mapang-akit na mga labi na likas na mapupula. Kahit ang buhok nitong lampas balikat na medyo alon-alon ay bumagay din dito.
Sa katawan naman, perpektong sukat ika nga ng mga katrabaho nito. Malulusog at tayong-tayong dibdib na may malarosas na korona sa tuktok at taglay din niya ang mahahaba at makinis na hita. Perpekto talaga kaya naman marami ang naghahangad na masungkit ang kagandahang iyon.
"Mama! Hoy, natulala ka nanaman diyan. Natulala ka nanaman sa beauty ko!" palatak niya. "Siguro iniisip mo nanaman ang perang kikitain mo kung sakaling pumayag akong ibenta ang katawan ko no?!" tila nanunuksong sabi ulit sa may edad ng mamasang.
"Kung bakit naman kasi ayaw mo pa! Dyosko day, yayaman tayo parehas kung pumayag ka lang," tila naghihimutok na pahayag nito.
"Mama, diba sinabi ko naman sa inyo may tamang lalaking pag-aalayan ko ng aking puri. Wag ka ng magtampo ha, promise mas gagalingan ko nalang ang pagsasayaw at pagbuladas sa mga parokyano natin para mas lumaki pa ang kitain mo," malambing na sabi niya dito sabay yakap.
"Ay sya, sya! Kung hindi ka lang malakas sa akin," sabi nito, natawa nalang siya.
"Siya nga pala, may taong gustong magtable sayo. Napakagalante, binigyan agad ako ng tip. Akalain mong limang libong peso ang ibinigay sakin, basta siguraduhin ko lang daw na papayag kang mai-table niya," sabi muli nito.
"Oo naman Mama, kapag ganyang galante ei hindi dapat tanggihan," masayang sabi niya dito.
"Kaya lang ano ei," tila alanganing sabi nito.
"Kaya lang ano Mama?" nakakunot tanong niya dito.
"Gusto nya, sa VIP room kayo mag-usap," sabi nito na ikinakunot ng noo niya.
"Whaat?! Mama! Bakit ka pumayag? Alam mo namang hindi ako pumapayag sa VIP diba?!" inis na sabi niya dito. Kahit na kasi VIP lang hindi niya pinapayagan. Hindi kasi maiwasang may makukulit na costumer na kahit ayaw niya ei pinipilit na hawakan ang maseselang parte ng kanyang katawan. Isang beses lang siyang pumayag noon ngunit hindi na muling naulit pa. Nagkasya na lang siya sa table sa labas dahil malaki rin naman ang bayad sa kanya.
Sampung libo sa bawat isang table, iba pa ang alak na iinumin niya at tip mula sa costumer kaya malaki-laki rin talaga.
"Sige na Nak, pumayag kana ha. Nangako naman siya na mag-uusap lang kayo. At ang totoo nyan, triniple nya ang bayad 30k na tumataginting. Promise sayo ang 20k, 10k lang ang sakin," tila nagmamakaawa nitong sabi. Napailing nalang siya, basta pera ang usapan di talaga mapagkakatiwalaan ang matandang ito.
"Ano pa ho ba ang magagawa ko?" walang ganang sagot niya dito.
Tuwang-tuwa naman ang matandang babae at sinabi sa kanya kung saang kwarto nandoon ang costumer. Ilang sandali lamang nasa may pintuan na siya ng kwarto kung saan naroroon ang lalaki. Inayos muna niya ang sarili at inihanda ang magandang ngiti sa mga labi bago binuksan ang pintuan. Napako ang ang kanyang paningin sa lalaking nakaupo sa sofa habang umiinom ng alak.
Hindi niya inaasahan na bata pa ang lalaking nagpupumilit makasama siya sa VIP room, kung hindi siya nagkakamali hindi sila naglalayo ng edad nito. Napansin niya na tila balisa ang lalaki kaya napagtanto niyang first time nito sa ganoong lugar. Napangiti siya, natuwa siya sa ginawi nito tila isa itong enosenteng bata na nagtungo sa pinagbabawal na lugar, at hindi maitatangging gwapo ito.
"Hi handsome, kanina ka pa?" malanding tanong niya dito habang nakapagkit ang napakatamis na ngiti sa kanyang labi. Natulala naman ito pagkakita sa kanya, mababanaag sa mata nito ang matinding paghanga sa kanya.
Sanay siya sa ganong klase ng titig mula sa mga kalalakihan pero hindi niya maintindihan ang sarili dahil tila nahihiya siya dito.
"H-Hello, maupo ka," matipid na sagot nito.
Tumalima naman siya, umupo siya sa tabi nito. Hinintay niyang magsalita muli ito pero tila mamumuti ang kanyang mata sa paghihintay na magbukas ito ng topic nila. Patuloy lang kasi ito sa pag-inom ng alak at umiiwas din itong mapatingin sa kanya. Natawa siya ng lihim dahil dito.
"Anong klaseng lalaki ba to?! Takot yata ito sa babae," natatawang sabi niya sa sarili.
"Bago ka sa lugar na ganito no?" di nakatiis na tanong niya dito.
Tumikhim ito, tila nilinisan muna ang lalamunan bago nagsalita.
"Oo, ang totoo gusto lang kitang makausap," seryosong sagot nito, napakunot noo naman siya.
"Tungkol saan?" naguguluhang tanong niya dito.
"Gusto kong lisanin mo na ang trabahong ito, dahil sasama ka sakin ngayon din!" mahina ngunit matigas na pahayag ng lalaki.
"A-Anooo?!" tila di makapaniwalang bulalas ni Amara.
ITUTULOY