DALAWANG linggo na ang nakalipas mula nang makaalis si Collin, at naging malungkot si Divlen sa pag-alis nito. Noon gusto niya itong pigilan dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makita niya ang lalaki. Ngunit pilit pinigilan ng kanyang konsensya ang gusto ng kanyang puso. Dahil nakatanim na sa kanyang isipan ang kasal nila ni Jhapdel. AMERICAN SAMANTALA dalawang linggo na si Jhapz sa hospital, dahil walang tigil ang pananakit ng kanyang ulo at panay na rin ang kaniyang pagsusuka. Namumutla na rin si Jhapdel at unti-unting nalalagas ang kanyang mga buhok dahil sa chemotherapy. Kaya nagpasya na si Jhapdel na itigil na ang pagpapa-chemo niya. SUMUKO si Jhapdel sa kanyang chemo dahil pakiramdam niya ay walang patutunguhan ang lahat. Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Jhapdel sa kany