"Hon, malapit na tayo, konting tiis pa," wika ni Divlen, at nasa boses ang sobrang takot para sa kanyang fiance. Pagdating nila sa hospital ay agad bumaba si Tom at tumawag ng mga nurses. Maagap namang tumugon ang mga ito. At madaling dinala si Jhapdel sa emergency room. "Partner, umupo ka muna," alok ni Jester, dahil sobrang balisa ang kanyang pinsan. "Partner, natatakot ako baka tuluyang mawala sa akin si Jhapdel," aniya, at walang tigil ang pagpatak ang kanyang mga luha. "Partner, huwag mong isipin iyan dahil matapang si Jhapz. Lalaban siya dahil gusto kapa niyang makasama," pang-aamo niya para palakasin ang loob nito. Sa loob naman ng emergency room, sobra ang paghihirap ni Jhapdel na kahit ang mga doktor at ang mga nurses naawa na rin sa kanyang kalagayan. Walang ibang choice ang