SUMAPIT ang ika-anim ng buwan sa pagbubuntis ni Divlen at schedule niya para sa ultrasound. Nag-half-day siya sa trabaho dahil hapon ang schedule niya. Alas-dose ay sinundo siya ni Collin sa headquarters. Nag-ring ang phone ni Divlen at si Collin ang tumawag. "Yes, Collz?" "Nandito na ako sa labas," tugon nito sa kabilang linya. "Okay, lalabas na ako." "Mag-ingat ka sa paglalakad." "Okay." "Partner, mauna na ako," paalam niya kay Jester matapos nitong kanselahin ang pag-uusap nila ng asawa niya. "Ihahatid na kita sa labas," alok nito. "Huwag na, kaya ko na." "Sige, pero mag-ingat ka." "Oo, partner. Salamat!" Hanggang sa nakalabas na si Divlen. Agad naman niyang nakita ang sasakyan ng asawa dahil nasa tapat mismo ito ng exit. Dali-dali namang lumabas si Collin upang alalay