"Aaminin ko na kasalanan ko ang lahat kasalanan ko kung bakit ngayon ay nasa piling kana ng iba at hindi kita masisisi. At naniniwala pa rin ako na hanggang ngayon mahal mo pa ako at umaasa na balang araw ay babalik ka ring muli sa akin," malungkot niyang sabi. "Huwag ka ng umasa pa na maging tayo pa, hanapin mo na lang ang babaeng naka tadhana para sa 'yo. Siguro talagang hindi tayo ang para sa isa't isa. Ang gusto ko lang na mangyari ay magiging magkaibigan pa rin tayo." malungkot ang mukha ni Devlin habang binibigkas ang bawat katagang binitawan. "Divz, paano pa ako makakahanap? Eh, sinabi mo na may AIDS ako. Ang sabihin mo ayaw mo lang talaga na maghanap ako ng iba," pagbibiro na tugon nito. "Sorry na! Oo. Aaminin ko na nagseselos ako at nasaktan sa nakita ko kagabi, pero hindi na