Angela's POV Masaya akong nakatungtong na ulit ako sa airport ng pilipinas. Isang taon na rin ang nakalipas. Kalalapag lang ng eroplano na sinakyan namin mula sa Korea. Isang linggo matapos akong iuwi ni Ma’am Freida sa mansyon nila ay lumipad na agad kami patungong Korea. Para sa skin care products na dene-develop ng malaking companya doon at exclusibong nakapangalan sa ‘Amore Corporation’ ang kompanyang pagmamay-ari ng asawa ni Ma’am Frieda na si Sir Augusto Perfetti isang half italian at and Filipino. Hindi ko alam kung paano ako naka-alis ng pilipinas na walang sapat na dukomento. Basta ang sabi sa akin ni Ma’am Frieda siya na raw ang gagawa ng paraan. Gamit ang pangalang Marinor Velez ay nagawa kong maka-alis ng bansa. Ako ang nagsilbing secretarya ni Ma’am Frieda. Taga