Mataman kong pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin sa kuwarto ni Zoe. I’m currently wearing the white bateau dress that Rayo designed. Kaninang mga bandang alas cinco iyon dumating dito sa apartment ni Zoe. “Bakla, you look constipated,” saad ni Zoe kaya napalingon ako sa kanya. Nakatayo siya sa may pinto ng kuwarto niya at nakatingin sa akin. Nakakulay puti rin siya na bestida at sobrang ganda niya. “Okay lang ba ang suot ko?” tanong ko naman. “Naco-conscious ako, eh,” dagdag ko pa kaya mahina siyang natawa. “Ang ganda mo, promise!” aniya tapos ay naglakad palapit sa akin. Kinuha niya ang kulay pula niyang lipstick at ngumiti pa sa akin. “Hindi sapat ang liptint. Lagyan kita nito kahit ngayong gabi lang,” nakangiting dagdag pa niya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tuma