“Are you ready?” nakangiting tanong ni Zoe sa akin pagkalabas niya ng kuwarto niya. Mas nauna kasi akong naligo sa kanya pagkadating namin sa apartment niya. Pagkatapos ko ay nagpasya ako na hintayin na lang siya sa sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang suot niya. She’s currently wearing a white crop top matched with a black skirt. Tapos ay pinarisan din niya iyon ng kulay itim na boots. Well, I have to admit that she’s really pretty. She’s smoking hot. But what she’s wearing right now is a bit too much. It’s so daring. “Ano ’yang suot mo?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Hindi ba maganda?” may halong panghihinayang naman na tanong niya. “I mean, maganda naman. But don’t you think that it’s a little bit too much, Zoe? Bar ang pupuntahan natin. Paano kung mabastos ka?” may hal