LIZAH AGUILAR HINDI lang isa, ‘kun ‘di labing siyam na pirasong panty at mas malala pa, tumangay pa s’ya ng tatlong bra! Pinalaglag ni Ryujin ang panga ko habang naka-latag lang sa ibabaw ng kama ang mga panloob kong kinuha n’ya. Nagtataka kasi ako kung bakit na lang humaharurot ang puwet n’ya na umalis ng hideout ko at kilalang-kilala ko s’ya. Halos magmakaawa na nga para hindi ko mapalayas tapos ‘yon pala, may gusto s’yang nakawin? “Ryujin…” I massaged my temple. ‘Yong mga kaugatan ko na naman, natibok. “P-Po?” nangangarag na tugon n’ya sa ‘kin. “Sa dinami-daming nakawin, bakit undies ko pa, ha?” “I…” Mariin n’yang nilunok ang sariling laway. “I only got… 5 pieces of undergarments because... I think I can use yours.” Tinapunan ko s’ya ng masamang tingin na ikinayuko ulit ng mat