CHAPTER 24

1406 Words

Bago pa ako makapag-protesta, lumakad na s’ya patungo sa pintuan. “I will carry you around.” “Nakakapagod ako buhatin.” “Hindi ako mapapagod basta ikaw ang binubuhat ko at sa tingin mo ba, makakaya kong makita kang naka-saklay? Nakakaapak ng pàgkalalake,” mabilis n’yang tugon. S’ya na rin ang nag-bukas ng pintuan ng bathroom. Pinasok n’ya ako sa loob. Makakatayo naman ako pero hindi ko puwedeng iapak ang kaliwang talampakan ko. May makakapitan naman akong stainless steel railing sa loob ng shower. Sinabi ko ang mga ‘yon kay Ryujin. “Nandito lang ako sa labas ng pinto mo. Tawagin mo lang ako kung tapos ka na.” Um-oo ako sa seryosong pahayag n’ya. Hindi talaga mawawala ang pagka-gentleman n’ya minsan. “Ryujin, tapos na ako.” Pagkasabi ko, binuksan n’ya agad ang pinto. Hinawi ko na an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD