JENNY POV "We? Hindi nga?" tanong niya, halatang hindi talaga siya naniniwala sa sinasabi ko pero kailangan ko itong panindigan. "Pramis peksman! Ayaw ko naman magsinungaling sayo no! Never ko iyon ginawa," sagot ko. "Okay," sagot niya na para bang satisfy na siya sa sinabi ko. Kung tutuusin, ayaw ko talaga na maging mahirap ang sitwasyon kaya mas pinipili kong maging tikom ang bibig. At kahit na sino pa ang magtatanong sa akin mamaya o sa mga susunod na araw, titiyakin ko na parehas lamang ang isasagot ko sa kanila. Habang nakain naman kaming dalawa, dumating naman bigla si Sabrina at kasama niya yung tatlo niyang mga tropa. Hindi ko sila pinansin pero pumunta sila at pinalibutan ako sa table. "So nandito na pala yung babaeng bida bida na taga probinsya..." sabi niya habang nak