“M-Mama, someone killed our cat.”
“Mama, Papa, I-I saw Elixir stepping on it earlier.”
“It’s Elixir’s fault.”
“Elixir killed it Mama.”
“Elixir’s a killer.”
Elixir was clenching his fist while listening to the voices of his elder brethren Cylix and Cyan who’s crying because of the death of a mere cat.
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at tsaka hinila ang kumot hanggang sa kanyang ulo at tinakpan ang kanyang tenga upang hindi marinig ang mga iyak ng kanyang mga kuya. They’re blaming him for the death of their cat.
He just stepped on it.
He’s innocent.
Wala siyang kasalanan.
Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata habang kagat-kagat ang kanyang ibabang labi ngunit kaagad na napa-dilat nang marinig niya ang pag-creek ng pintuan ng kanyang kwarto.
Someone’s inside his room and he’s sure that it’ll be either his mom or his dad.
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kumot mula sa kanyang ulo patungo sa kanyang tiyan at tsaka naupo.
“Elixir…” he just stared at his mom whose eyes are still wet from crying. Kaagad niyang iniwas ang kanyang mga mata sa mukha nito at nag-focus na lang sa leeg nito.
“Elixir anak—”
“I didn’t do it.” Kaagad niyang putol sa dapat nitong sasabihin. Nakita niya naman ang pagtulo ng luha nito. He closed his eyes. He heard his mom sobbed, naikuyom niya ang kanyang kamao.
He hates listening to his mom’s sobs. He hates it.
“Leave mom, I want to sleep.” Pagtataboy niya rito. Bago pa man ito makapagsalita ay kaagad niyang hinila ang kumot hanggang sa kanyang ulo at humiga patagilid.
“You’re still seven years old yet you talk like you’ve matured already. Mas matured ka pa s-sumagot sa mga kuya mo.” Muling wika ng kanyang ina habang sumisinok, he immediately closed his ears but that didn’t do much dahil rinig na rinig niya pa rin ang paghikbi ng kanyang ina.
Ilang minuto pa itong nag-stay sa kanyang kwarto hanggang sa maramdaman niya na ang pag-alon ng kanyang kama.
“G-Good night Elixir.” And he heard the door closing. Mabilis niyang inalis ang kumot sa kanyang ibabaw at tsaka umalis sa kama. He silently followed his mom at napatigil siya nang marinig na naman ang pag-hagulgol nito.
He can’t see his mom or his dad but he knows that his dad is hugging his mom right now. Lagi iyong ginagawa ng kanyang ama sa tuwing umiiyak ang kanyang ina.
“Thunder he’s already becoming aware of his surroundings! H-Hindi niya na ako matignan sa mata. I-I know, h-he already knows the situation.”
“Sunshine, we already talked about this right? Please be strong, Love.” His mother cried even more. Kinuyom niya ang kanyang kamao at tsaka umalis sa kanyang kinatatayuan. He couldn’t bear to listen to his mother’s cries anymore because it’s just too painful.
Yes, he’s still seven years old. Dapat sa kanyang edad ay nakikipag-laro pa siya, dapat nakikipag-kaibigan, dapat umiiyak dahil sa inagawan ng laruan ng kanyang mga kuya at dapat nakikipag-lambingan pa sa mga magulang.
B ut he’s no ordinary child. He knows he isn’t because he heard it from the mouths of his very own parents.
“He’s a psychopath.”
“Mama! Elixir is not changing his clothes!” sinamaan niya ng tingin ang kanyang ate na si Zylea na kasulukuyang naga-apply ng lip shiner sa mapupula nitong labi. Nginisihan siya nito.
“Elixir please change your clothes, you really need to come with us. Your ninang Margareth and ninong Kalen are waiting for us. Birthday ng bunso nila.” Sigaw ng kanyang ina mula sa kusina ngunit inignore niya lang ito. He wore his headphones and set it to the highest volume.
Ano bang pakialam niya kung birthday ng bunso ng ninong at ninang niya? Ni hindi niya pa nga ito nakikita at wala siyang interes na makita ito.
He closed his eyes at akmang matutulog na sa sofa nang biglang umangat ang kanyang katawan sa sofa. His eyes widened at napa-tingin sa kanyang gilid.
“Dad!” gulat niyang tawag rito. His father smiled at him at tsaka siya dahan-dahang binaba sa sahig. Tinanggal nito ang kanyang headphones at tsaka ginulo-gulo ang kanyang buhok.
“Go and change your clothes Elixir. Nasa bed mo ang gagamitin mong suit.”
“But I don’t wanna come with you! Can’t you just leave me here alone?!” sigaw niya sa kanyang ama. Narinig niya naman ang pag-singhap ng kanyang ate.
“No Elixir. You’ll come with us, period.” His father’s voice is calm ngunit bawat salitang lumabas sa bibig nito ay may halong diin. He gulped at tsaka naglakad papasok sa kanyang kwarto.
“Tch.”
Inis na niluwagan ni Elixir ang kanyang tie habang naglalakad papasok sa isang malaki at magarbong bahay. There are lights everywhere at napa-kalakas ng tugtog, halos gumalaw ang lupa sa lakas ng tugtog. Napangiwi siya.
“Elixir, please raise your head.” Utos ng kanyang ina. He tsked at tsaka inangat ang kanyang ulo. He really hates raising his head, ayaw niya kasing tinitignan siya ng mga tao at ayaw niya ring tinitignan ang mga tao unless they’re dead.
Nakapasok na sila sa bahay at kaagad na sumalubong sa kanyang mga mata ang flash ng mga camera. Kaagad siyang napapikit.
“The Familia Hernandez are here!” rinig niyang sigaw ng isang photographer kaya’t mas lalo silang inulan ng flashes ng mga camera. Kaagad siyang yumuko nang biglang may tumapik sa kanyang balikat. Kumunot ang kanyang noo at tinignan ito.
A man standing in front of him is smiling while holding a DSLR.
“Smile!” tsaka nag-flash ang camera nito. Napapikit siya at sa sobrang inis ay kinuyom niya ang kanyang kamao.
Man, this guy is pissing him off.
“Smile—”
“Do that again and I’ll break that DSLR of yours.”
Nanlaki ang mga mata nito at napalunok. He glared at the man kaya’t napa-atras ito. Nag-bow pa ito sa kanya bago tumakbo papalayo.
Kaagad siyang tumalikod upang sundan ang kanyang mga magulang nang may tumapik uli sa kanyang likod. He closed his eyes and tried to ignore it ngunit tinapik na naman ito ang kanyang likod.
“Will you stop it?!” mabilis siyang bumaling at tsaka sinigawan ang taong tumatapik sa kanyang likod sa paga-akalang isa na naman ito sa mga photographer ngunit doon siya nagkakamali dahil imbes na photographer ang kanyang maka-harap niya ay isang maliit at chubby na batang babae ang naging kaharap niya.
Nakanganga ang cute nitong lips at nanlalaki rin ang asul nitong mga mata sa sobrang gulat. Napa-atras siya nang makita niyang namumuo ang mga tubig sa mga mata nito. He cringed at tsaka ito nilapitan.
Hindi niya alam kung papano magpatahan ng bata but he needs to stop this little kid from crying dahil baka akalain na naman ng mga magulang niya na sinaktan niya ito.
“D-Don’t you dare cry.” Crap!
“Y-You’ll look ugly even more.” Facepalm!
“S-Stop crying—”
“Pushit ka!”
Ha?
Kumunot ang kanyang noo. Naluluha pa rin ito ngunit hindi ito umiiyak. Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang lumapit ito sa kanya. Akmang magsasalita sana siya nang bigla na lang siya nitong sipain sa crotch.
“Crap!”
“ Eng eng ina mo pushit ka!” hindi na siya kaagad nakasagot dahil bigla na lang itong nagtatakbo papalayo.
“Where have you been Elixir? Kanina ka pa namin hinahanap.” He boringly stared at his mom at tsaka naupo sa katabi nitong upuan. Napangiwi pa siya ng maramdaman ang pananakit ng kanyang male part.
“Ma, si Elixir ngumingiwi.” Si Cylix.
“Naiihi yata.” Si Cyan.
“Natatae kamo.” Si Cylix uli.
Sinamaan niya ng tingin ang dalawa, kaagad naman itong nanahimik at tsaka umiwas ng tingin. Napansin niya naman ang pag-tingin ng kanyang nanay sa kanya,
“What’s wrong with you?”
“I’m fine.”
Mabuti na lang at hindi na nagtanong muli ang kanyang ina dahil dumating ang kanyang ama sa kanilang mesa.
“Where have you been Thunder?” tanong ng kanyang ina sa kakarating niya pa lang na ama. His father kissed his mother at tsaka ngumiti.
“I helped Kalen and Margareth to look for their daughter. Nasa Garden lang pala –oh talking about them, here they are.” Kumunot ang kanyang noo at tsaka tinignan ang mga taong naglalakad patungo sa kanilang mesa. His eyes widened when he saw the little girl who kicked his crotch earlier. Kaagad siyang napa-tayo at tsaka ito tinuro.
“That kid!”
“Oh you know Kels, Elixir? Go greet her. Birthday niya ngayon.” Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi ng kanyang ina. Napa-tingin siya sa batang babae, inosente lang itong naka-tingin sa kanya na para bang wala itong nagawa sa kanya kanina.
“Go Elixir, greet her.”
He sighed in defeat at tsaka nilapitan ang kanyang ninong at ninang. They hugged him, napa-ngiwi siya.
“Elixir, this is Kelsey Grace… baby, this is your kuya Elixir—”
“I’m not her brother.” Putol niya sa mga sinasabi nito. Hindi niya alam pero na-trigger siya. He can’t see himself being the little girl’s ‘kuya’.
“Okay?” napa-tingin ito sa kanyang mga magulang. Lumapit lang siya sa batang babae at nag-smirk.
“Happy birthday.” Bati niya rito. He hugged her and was about to let go when she grabbed his hair. Narinig niya naman ang pagsinghap ng mga magulang nila. Napahiyaw siya sa sakit.
“ Pushit ka!”