Carolline's POV HINDI ko alam kung bakit napapayag niya ako bumalik ulit. Gusto ko nga sanang bawiin 'yong sinabi ko kahapon kaso huli na. Mukhang nanalo talaga itong Pyro na ito laban sa akin. Isa pa ay ayoko rin magbayad ng ganoong kalaking halaga. Saan ko naman kukunin 'yon? Kulang pa nga ang pera ko sa pangbayad utang na iniwan ng mga magulang ko tapos idadagdag ko pa iyong sa kaniya. Ang tanga ko rin kasi kung bakit hindi ko binasa ng maayos 'yong contract na binigay sa akin. Ngayon tuloy ay ako pa ang dehado. Basta kapag napansin ko na iba na ang kinikilos niya ay ako na muna ang iiwas. Mahirap na at baka makaisa na naman itong Pyro na ito. Nakailan pa namang halik 'to sa akin. Kasalukuyang nasa loob ako ng office ni Pyro habang naglalaro ng angry birds. Habang siya ay ayon at t