bc

HUSBAND FOR HIRE: Jinbong Castro (The Junk Hunk)

book_age18+
884
FOLLOW
1.5K
READ
contract marriage
brave
sweet
bxg
male lead
office/work place
childhood crush
first love
husband
seductive
like
intro-logo
Blurb

Jinbong Castro went back to Philippines with his family after fifteen years in America. Walang-wala sila kaya naman naibenta pa ang bahay nila sa Nueva Vizcaya dahil sa nangyaring pagkalugi ng negosyo nila sa America.

At his age thirty, may hinahanap ang puso niya na gustong-gusto niyang puntahan sa pagtuntong muli sa Pilipinas. Pero wala siyang mukhang maipapakita ngayon sa babaeng pinangakuan niya noong fifteen years old pa lamang siya.

Sa isang junk shop sana siya nakatakdang magtrabaho pagkarating sa Maynila dahil hindi siya natatanggap sa mga inaaplyan. But a guy named Dix approached him. He was offered to work in a dating agency but as a husband for hire. Malaki ang pasahod ng nasabing agency para sa mga husband for hire. Sa kagustuhang maibangon ang pamilya sa dagok na tinamo nila, humingi siya ng mahabang kontrata sa RnJ na napagbigyan naman. Without knowing na magiging problema niya ito pagdating sa babaeng tinatangi ng kaniyang puso.

Until he met his very first client, Ava Marie Vergara. He was sure of it. Ava is the one he's wanting to see. But to his surprise, Ava didn't recognize him. Of course, they both have different looks now. At higit sa lahat, paano siya makikilala kung isang Jayson Castillo na nagtatrabaho sa junk shop at isang husband for hire ang katauhan niyang makikilala nito?

Magagawa ba ni Jinbong na sabihin kay Ava na siya ang nangako dito noon fifteen years ago? At paanong siya pa pala ang dahilan kung bakit kinailangan ni Ava ng magpapanggap na asawa?

Paano niya ipagtatapat kay Ava ang lahat kung sa bawat pagbuka ng bibig ng babae ay ang matinding pagkasuklam nito kay Jinbong Castro na siyang tunay niya namang pagkatao?

Handa niya rin bang harapin ang consequences ng RnJ Services mabihag lamang muli ang puso ng babaeng tanging minahal sa buong buhay niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Isang labintatlong taong gulang na batang babae ang makikitang patakbong lumabas sa isang malaking bahay. Tiyak ang patutunguhan ng mga paa na dumeretso ito sa katabing bahay na masasabi ring tila mansiyon sa ganda at laki. "Jinbong!" malakas na sigaw ng babae pagkatapat nito sa gate. Hindi naman nagtagal at may isang batang lalaki na edad labinlima ang dumungaw mula sa bintana sa ikalawang palapag ng bahay na iyon. "Ava!" masayang kaway ng lalaki na walang iba kundi si Jinbong. Lumitaw naman ang biloy sa kaliwang pisngi ni Ava nang kumaway si Jinbong sa kaniya. Sa edad niyang labintatlo, naranasan niya na ang kiligin at iyon ay sa tuwing nasisilayan ang guwapong mukha ng kapitbahay na si Jinbong. For Ava, Jinbong is her first puppy love. But deep within her very young heart, umaasa siyang ang lalaki na nga ang kaniyang magiging una't huli. Maituturing na silang magkababata dahil pareho silang doon na lumaki at nagkakilala. Nakatira sila sa isang exclusive subdivision at magkatabi lang talaga ang mansiyon nila. "Hey, why so early?" wika kaagad ni Jinbong kasabay ng pagbukas niya sa napakataas na gate. Hindi mo makikita mula sa labas ang bahay dahil nga sa taas ng gate ng bawat bahay doon. Sasagot na sana si Ava nang biglang may sumingit na boses sa usapan nila. "Pupunta rin ba kayo sa clubhouse?" Sabay na napalingon sina Jinbong at Ava sa may-ari ng boses. It was Yexel's voice. Isa sa mga nakatira rin sa subdivision na iyon pero may ilang metro rin ang layo mula sa kinatitirikan ng bahay nina Jinbong at Ava. Nakasakay sa bisikleta si Yexel. "No!" "Yes." Nagkatitigan sina Jinbong at Ava dahil sa magkaiba nilang sagot. Ava said no dahil ayaw niyang may ibang pang tao basta't kasama niya si Jinbong. "Let's go!" yakag ni Yexel na nagpatiuna na papunta sa clubhouse. Sinimangutan naman ni Ava si Jinbong. "Why?" natatawang sambit ni Jinbong. "Let's go!" irap ni Ava na sinadyang gayahin ang sinabi ni Yexel. Natatawa pa rin si Jinbong habang nakasunod kay Ava. Inabutan nila si Yexel sa labas ng clubhouse na talagang hinihintay sila. Napansin ni Jinbong na nakatitig lang si Yexel kay Ava. Muli pa siyang natawa nang palihim dahil nang lingunin niya si Ava ay nakasimangot pa rin ito. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng clubhouse. "Tara, Jinbong. Basketball muna tayo," yakag ni Yexel. Napamulagat naman si Ava nang makitang may hawak na bola si Yexel. Hindi niya kasi napansin na may dala pa lang bola ang lalaki. Parang lalo tuloy nag-alburoto ang kalooban ni Ava. Nasigurado niya na kasing maglalaro lang ang dalawa hanggang umuwi sila. At siya, manonood lang sa kanila. Akala niya pa naman ay makakasama niya lang sa pagtambay doon si Jinbong habang nag-uusap. Naiinis lang siya kasi dumating pa si Yexel. Hindi naman dahil sa ayaw niya kay Yexel, nais niya lang sanang sila lang dalawa ni Jinbong ang makapag bonding sa araw na iyon. Dapithapon na nang magpasya silang umuwi na. "Okay ka lang, Ava?" si Yexel. "What do you think?" mataray na sagot ni Ava ng hindi man lang nililingon si Yexel. Nagkibit-balikat lang si Yexel habang pinupunasan ang pawis. Naglalakad na sila noon pauwi. Hila lang din ni Yexel ang bike nito. Unang madadaanan ang bahay nina Ava bago ang bahay nina Jinbong pero doon sila sa tapat ng gate nina Jinbong huminto habang tinatanaw si Yexel papalayo. Nang malapit na sa sunod na kanto, sumakay na si Yexel sa bisikleta nito. "Smile na," ani Jinbong maya-maya. "Okay lang ako," pagsagot ni Ava at tumalikod na para pumasok na rin sa bahay nila. "Ava," tawag ni Jinbong na nagpalingon dito. "Yes?" si Ava. "Ahmm... Would you say yes if I ask you to be my wife in the future?" agresibong tanong ng labinlimang taong gulang pa lamang na si Jinbong. Pinamulahan naman bigla si Ava. She did not expect it. Hindi niya alam kung seryoso ba si Jinbong lalo pa at ang babata pa nila o kung sinusubukan lang ba siya nito dahil nga badtrip siya. "Promise. Kapag matatanda na tayo, pakakasalan kita. Not because we're friends. But because I think you are the one," tila walang hiyang nararamdaman si Jinbong nang sabihin ang mga iyon. Nananatili namang tulala si Ava sa mga naririnig. Hindi niya alam kung napaka OA ba ng dating lalo pa at galing ito sa isang fifteen year old boy. Maya-maya ay humakbang palapit si Jinbong kay Ava. "I know it sounds cheessy, or OA, pero kasi simula noong six years old tayo magkasama na talaga tayo eh. Parang tayo kasi iyong naging magkasama na talaga. And I consider that as baka tayo naman talaga?" Jinbong stated. "A-ah... We are too young to say that," sa wakas ay nakapagsalita rin si Ava. "Does age matter when it comes to love?" sagot ni Jinbong. "Paano ka nakakasiguradong matutupad mo nga 'yang sinasabi mo, di ba?" tanong ni Ava sa kabila ng kabang nararamdaman nito. Alam niya sa sarili na kinikilig siya sa mga sinasabi ni Jinbong, subalit may part ng isipan niya na nagsasabing awat lang muna. "Then let's see. I'll prove it," lumitaw ang isang matamis na ngiti mula kay Jinbong nang sabihin iyon. Wala sa sariling napangiti na rin si Ava at tumango-tango kay Jinbong. ***** Three days later... "Promise, kahit anong mangyayari babalikan kita," may lungkot man sa mga mata ni Jinbong ay siguradong sigurado naman siya sa mga sinasabi nito. Kanina pa gustong pumatak ng luha ni Ava subalit pinipigilan niya lang. Biglaan kasi ang pag-alis ni Jinbong. Kahapon niya lang nalaman na kinukuha na ito ng mga magulang nito sa America. Only son kasi si Jinbong at pawang mga kasambahay lamang ang kasama nito sa bahay nila. Hindi rin daw akalain ni Jinbong na kukunin siya roon dahil ang alam umano nito ay babalik din doon ang mga magulang. "How will I hold on to your promise now..." garalgal na ang boses na sabi ni Ava. Nasa labas sila ng bahay nina Jinbong noon at doon nag-uusap. Hinihintay na lang kasi ni Jinbong ang sasakyang maghahatid sa kaniya sa Maynila kung saan nandoon na ang kaniyang mga magulang upang sunduin siya. Pagkatapos ay saka sila sabay-sabay na lilipad patungong America. "Just wait for me, no matter what. Lagi tayong mag-uusap sa phone. Or videocall sa f******k, right?" paninigurado ni Jinbong. "Okay," mahinang sambit ni Ava dahil pakiramdam niya ay maiiyak na talaga siya. At nang makaalis na nga si Jinbong, doon na tumulo ang luhang kanina pa pinipigil ni Ava.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Be Mine Again

read
99.3K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
573.0K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.2K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Unwanted

read
512.1K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook