Dale "Dale, ayos ka lang?"bumaling ako kay Vanessa. "I'm fine."tipid kong sagot. "Ayos ka, talaga? Kanina ka pa naka-upo diyan pero hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo."bumaba ang tingin ko sa plato ko. "Iniisip mo ba si Catherine?" "Ano ba talagang nangyari noon?"tanong ko na at hindi ko na pinansin ang sinabi pa niya. Pagkatapos ng hiwalayan namin ni Catherine. Sinabihan ako ni Mom at Dad na magbakasyon sa Baguio. Bumalik lang ako after six months. At ang narinig ko lang ay wala na si Catherine dito sa subdivision. "Anong tinutukoy mong nangyari noon?"maingat na tanong sa akin ni Vanessa. Napabuga ako ng mabigat na hininga. "Pagkatapos ng hiwalayan namin ni Catherine. Anong sumunod na nangyari dito?"napatigil si Vanessa at tumitig sa akin. Ilang saglit muna ang lumipas bago siy