Kinabukasan ay tila normal na mag asawa na si Elsian at Jellie. Si Elsian ang nagpapakain kay Elise habang si Jellie naman ang nag aasikaso kay Eliot. Nilapitan niya ang kakambal niya. "O kumusta ang naging pag uusap nyo?" Tanong ko dito. "Ayaw niyang maghiwalay kami, ayusin daw namin ang pamilya namin. Pero ako humingi ako ng space sa kanya." Sabi pa nito. "So anong sagot niya?" Tanong ko dito. "Mag aabroad daw muna siya, para kahit papaano e pareho kaming mag heal. Para makaipon na din ng pansimula para sa mga bata. Okay lang ba na dito muna kaming mag ina kina Mama?" Tanong nito sa akin. "Ngeee bakit ka sa akin nagpapaalam?" Nakangiwi kung sabi dito, nakita niya ang pagsulyap nito sa kanyang singsing. Isinuot ito ni Red kanina pag gising nila. "Congratulations finally ikakasal ka