Di niya alam kung ano ang unang gagawin pagkapasok ng kanyang silid. "Wala kang dalang damit?" Tanong ko dito. "Kukunin ko sa sasakyan, hintayin mo ako. Sabay tayong maligo." Bulong nito. "Hoy ayoko nga, mauna na ako. Bahala ka sa buhay mo. Ito susi mamaya para di kana katok ng katok mamaya pag nasa loob na ako ng cr." Ingos ko dito. Pinatakan ako ng mapanukso at nakakalasing na halik nito bago ito tumayo. "Lalabas lang ako saglit." Paalam nito, isinara ko na ang pinto at inihanda ang kanyang pantolog. Malaking tshirt at maiksing shorts ang kanyang sinuot. Kilala naman siya na di nagpapajama kaya wala siyang pajama ever since. May sarili din naman na cr ang kanyang silid kaya naman ay di na niya kinakailangan na lumabas pa upang maligo sa kabila. Nasa kalagitnaan na siya ng pagsasab