Di niya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata, napakalungkot isipin na di man lang ito naawa sa kanya. Alam nito ang sakit na naranasan niya sa mga nakalipas na taon, pero nagawa parin siya nito na gamitin upang makuha ang kayamanan nito. Sana nung una palang nagduda na siya sa motibo nito ng pag alok at pagpumilit nito na maikasal sila. Naging tanga na naman siya, para siyang gaga na feeling blessed yun pala ay masyadong pathetic niya, di man lang niya nalaman agad ang ganung motibo nito. Maging ang pamilya niya ay naniwala dito, naniwala ang mga ito na totoo ang lalaki sa kanya. "Hey what's wrong?" Tanong pa nito. Dun siya humagulhol na tila ayaw niyang magsalita. "Bakit? Bakit niloko mo na naman ako?!" Puno ng galit ang mga mata na tanong ko dito. "What? Paano kitang ni