Tahimik kaming nakaupo lang, as in walang sinuman sa kanila ang may balak na magsalita. Bahala itong mag initiate ng pag uusapan, total ito lang naman ang may gusto na mag usap sila. Kung usap talaga ang kailangan nito o ibang bagay pa. "So, why I have this feeling na allergy ka sa salitang kasal?" Tanong nito sa kanya. "Wala kana dun." Singhal ko dito. "Bawas bawasan mo ang kasungitan mo sa akin Julliana. Naakit pa naman akong lapain ka ngayon." Sabi nito, kinabahan na naman siya sa sinabi nitong iyon. Kasi malamang sa malamang ay ganun naman talaga ang balak nitong gawin sa kanya. "Ikaw kasi nakakabwesit ka!" Inis kung paninisi dito. "Ang sungit mo sakin, pero pahalik ka naman ng pahalik." Sabi nito sa kanya. "Hoy pula, magkaiba ang nagpahalik sa pilit na hinalikan." Sabi ko dito.