Maingat kong binuksan ang pinto ng kotse ni kabute. Pagkatapos ay dahan-dahan akong bumakbang upang 'di makagawa ng ano mang ingay. Pakiramdam ko'y para akong isang kreminal dahil payuko-yuko ako para walang makakita sa akin. Hanggang sa tuluyang akong makalayo sa kotse ng binata. Para akong isang ibon na nakawala sa hawla ng mga oras na ito. Parang gusto ko tuloy magtatalon sa tuwa, dahil ako pa rin ang nagwagi. Nang may dumaang jeep ay agad akong sumakay, baka mahabol pa ako ng lalaking iyon. Hindi naman naglaon nakarating ako sa munting bahay namin ni Bombie. "Icel!" lumingon ako sa tumawag sa akin. "Bombie! Patawad kung pati ikaw ay nadamay sa aking problema," paghingi ko nang paumanhin dito. "Ano ka ba ayos lang iyon. Ikaw nga ang inaalala ko. Baka kung ano ang gawin sa 'yo ng po