Labis-labis ang dasal ko na huwag sana kaming mahuli ng kabuteng ito. Hanggang sa makita kong pumasok na ito ng kabahayan. Kaya naman naghanda kami ni Bombie. Nang tuluyan na nga itong mawala sa aming paningin ay saka lamang kami lumabas sa aming pinagtataguan. Para kaming mga gagamba habang umakyat sa gate. Medyo hirap pa nga ako dahil mayroon akong dala-dalang cake. Baka kasi mahulog ito, sayang naman ang pagbitbit ko, kung ang makikinabang lang ay ang lupa. Laking tuwa namin nang makalayo na kami sa harap ng gate. Parang kaming mga ipo-ipo dahil sa ginawa naming pagtakbo. Tumigil lang kami ni Bombie, nang alam namin wala ng tao. Pagdating naman sa sakayan ng jeepney ay agad kaming sumakay nang may dumaang jeep. Pansin ko'y sa amin nakatingin ang mga pasahero. Pero wala kaming pakia