Narinig kong may tumawag sa aking pangalan. At alam kong si Kabute iyon. Mayamaya pa'y parang naramdaman kong may bumuhat sa akin. Pero hindi pa rin ako nagmulat ng mga mata. Ang gusto ko lang ay matulog na nang tuluyan. Ngunit bago ako lamunin ng karimlam ay naramdam ko pa ang pagyugyog ni kabute sa aking katawan. Kaya lang ay hindi ko na kayang magmulat ng mata para tingnan ng lalaki. Nagising sa dalawang taong nag-uusap. Pero hindi ako nagtangka na magmulat ng aking mga mata ko. "Nabasa ko na ang sulat ni Icel. Aaminin kong ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. I can’t forgive myself when something bad happens to Icel," narinig kong saad ni papa. Ramdam ko ang sakit sa dibdib nito. Peste! Parang bigla akong nahiya. Ano ba 'yung pinaggagawa ko noong mga nakaraang araw? Nasa katinua