Nakakaiyak Na Date 12

1423 Words

Agad kong inalalayan si Lola para makatayo upang makauwi na kami. Gusto ko rin makapagpahinga ito. Dahil ramdam ko ang pagod nito. Sobrang awang-awa ako dahil pangalan nito'y 'di maalala. Tapos nalaman ko rin kahit saan lang ito natutulog, minsan pa'y walang laman ang tiyan nito. Kapag umuulan ay nababasa ito dahil walang masilungan. Kaya naiiyak ako sa kalagayan ng matanda. "Hija, maaari bang dumaan muna tayo sa junk shop? Para ibenta muna itong mga dala-dala kong bote at mga daryo? Sayang din kasi ito," malumanay na sabi sa akin ng matanda. "Sige po lola, ako na po ang magdadala niyan, dahil sobrang bigat po nang dala-dala ninyo. Saan po ba ninyo ito nakuha?" tanong ko pa. "Ang iba riyan pinulot ko lang. At iyong iba ay hinihingi ko sa mga tao hanggang sa makaipon ako," sagot nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD