HINDI na mapigilan ni Yumi ang sarili at tuluyan na siyang naluha. Sumapit na ang ikatlong linggo na hindi siya kinakausap ni Carlo. Kahit anong pagpapalubag ng loob ng pamilya at kaibigan, hindi na siya nadadala niyon. Alam niyang may dahilan, alam niyang may problema. Gusto niyang papaniwalain na may valid reason ang binata kaya hindi ito nagpaparamdaman. Ilang beses na niyang naiisip na puntahan ito sa ospital, pero palagi siyang nauunahan ng hiya. Natatakot siyang sabihan ni Carlo ng clingy dahil lang may nangyari sa kanila. Kahit anong pagtataboy, paulit-ulit lang na naglalaro sa kanyang isipan na paano kung gaya din ito ni Mikee na hindi tutuparin ang pangako at iiwan siya? Paano kung s*x lang ang habol nito sa kanya? Naroon si Yumi sa bahay nila nang araw na iyon. Minabuti na muna