"So how are you coping ?" Tanong sa akin ni Aunt Jenny ng pumasok ako sa dati Kong silid bago ako lumipat sa silid ni Gabriel. Pinili Niya ang kuwarto ko dahil maganda ang view na makikita mo mula sa bintana . Kitang kita ang kagandahan ng isla at ang dagat below . Napangiti ako ng maalaala ko ang unang umaga ko sa Lochgoil , dahil sa view dito sa bintana ng aking kuwarto kaya ako napahamak. Mapanlinlang ang magandang tanawin ... Ang akala ko na daanan para makarating sa baybayin ay isang mapanganib na daan na hindi na ginagamit ng tao . Hindi talaga maaasahan ang makikita mo sa mata, na akala mo ay mabuti para sa iyo , ay masama pala . Gaya ng kapahamakan na nangyari sa akin sa umagang yaon . Kung hindi pa nangangabayo noon si Gabriel , makikita kaya Niya ako sa cliff? May darating