Ang Shaitan University ay nahahati sa dalawang klase. Ang Blue Shaitan at ang Black Shaitan. Ang pagkakahati nito ay hindi alam ng mga tao sa labas maliban na lamang sa mga staffs at pinagkakatiwalaang empleyado ng nasabing pasilidad.
Sa storyang ito, mapapasok sa Black Shaitan ang pitong studyante na sina Genesis, Ezekiel, Hunter, Rylee, Xiomara, Tatum Belle at Emerie.
Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ang unibersidad na kanilang papasukan ay napakadelikado sapagkat maaari mailabas ang lahat ng ipinakatatago nilang sikreto.
Ang Black Shaitan ay isang tagong unibersidad ng Blue Shaitan ngunit ang mga taong nararapat na mapasok rito ay hindi tinatanggalan ng karapatang makita ito.
Shaitan University, ang unibersidad kung saan patagong naghahanap ng hustisya at ginagawang kasiyahan ang pagmamanipula sa mga taong nagiging kasangkot sa isang krimen.
"Once we offer, you can't say NO."
©հҽӀӀɑʍíԵՏ