Chapter 3: Never Been Touch

1205 Words
-=Lyal's Point of View=- "Sige na naman Mamu kailangan kailangan ko lang talaga ng pera." ang pangungulit ko sa boss namin sa parlor na si Mamu Lucita, kung kaming tatlo nina Roxie at Samantha ay mga crossdresser si Mamu naman ay isang transgender nagpaopera na ito para magkaroon ng katawang pangbabae, nakapangasawa kasi ito ng Irish na siyang gumastos sa pagpapaopera nito at ngayon nga ay sa Pilipinas na sila nakatira. "Lyal naman kasi hindi biro ang halagang hinihiram ko, ang laki kaya ng sampung libong piso." paliwanag nito sa akin. "Kailangan kailangan ko lang kasi ng pera Mamu, alam mo naman hindi ako basta basta nanghihiram kung hindi ko kailangan eh." patuloy ko sa pangungulit dito alam ko naman na hindi ako nito mahihindian dahil nga ako ang taong may isang salita at so far naman ay hindi pa nasisira iyon kaya naman malaki ang tiwala ng mga taong nakakakilala sa akin. "Saan mo ba gagamitin ang pera?" bigla akong hindi nakaimik sa tanong nito dahil alam kong hindi ako nito papahiramin ng pera kapag nalaman nito ang dahilan. "Oh ano na? Saan mo ba gagamitin ang sampung libong piso?" tanong muli nito at wala na akong nagawa kung hindi sabihin dito ang dahilan kung bakit ako nanghihiram ng pera. "Gusto ko kasing bilhan nang graduation gift si Brian." ang mahina kong sinabi dito, umasa akong hindi ito narinig ni Mamu ngunit matalas nga pala ang pandinig nito. "Juskolord Lyal, para na naman pala yan sa boylet mo! Hindi pa ba sapat na ikaw ang nagpapaaral sa kanya at hiningan ka pa talaga ng regalo. "Hindi naman niya ako hiningan, tinanong ko siya kung anong gusto niyang makuhang regalo for graduation kaya naman sinabi niyang relo." ang paliwanag ko naman dito, ni hindi na nga akao makatingin kay Mamu sa hiya. "Naku Lyal sorry kung para lang kapricho ng boyfriend mo hindi kita mapapahiram ng pera." final na nitong sinabi. "Pero Mamu......." pagpupumilit ko dahil gusto ko talagang mabilhan si Brian ng bagong relo. "Tama na Lyal go back to your work." mahigpit nitong sinabi at kapag ginamit na nito ang ganitong boses ay alam kong end of discussion na, kaya naman wala akong nagawa kung hindi bumalik sa puwesto ko, actually wala naman masyadong customer ng mga oras na iyon, kaya naman doon mismo ako nagkalakas ng loob na bumale kay Mamu pero iyon nga hindi ito pumayag. "Ikaw nga Lyal magtapat ka sa amin, ano bang napakain sayo ng lalaking iyon at lahat gagawin mo para sa kanya." tanong sa akin ni Roxie na may customer na inaayusan. "Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao, lahat ibibigay mo para lang mapasaya siya." paliwanag ko naman dito at biglang napataas ang kilay ko ng bigla silang magtinginan ni Samantha. "Wehhh if I know ibang L lang yan at hindi love, siguro sobrang galing non sa kama na mapapatirik ang mga mata mo sa sarap no?" natatawang biro naman ni Samantha sa akin, hindi ko maiwasang mag-init ang magkabilang pisngi ko. "Change topic saan ka......" ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla iyong putulin ni Roxie. "Lyal.... don't tell me.... walang pang nangyayari sa inyo ng boylet mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Roxie sa akin ramdam kong mas lalong uminit ang mga pisngi ko sa sinabi nito. "Well hindi naman sa wala pang nangyari......" atubili kong sagot dito. "So ibig sabihin nagsex na kayo?" tanong naman ni Samantha na talagang lumapit pa sa akin at matiim na tumingin sa mukha ko. "No." mahina kong sagot dito, at kita ko ang panglalaki ng mga mata nito. "How about lollipop?" tanong uli ni Samantha. "No." parang mas lalo akong nanliit sa sagot kong iyon, yeah I admit wala pang s****l encounter sa pagitan namin ni Brian dahil more on kissing lang kami. "OMG Lyal, dalawang taon na kayong nagsasama pero kahit lollipop hindi ninyo man lang nagawa!" hindi makapaniwalang sinabi ni Roxie sa akin. "Well hindi naman s*x ang laging sagot sa isang relasyon at kaya hindi pa namin ginagawa iyon dahil naghihintay kami ng tamang panahon." pagdepensa ko sa sitwasyon namin ni Brian. "Kelan kapag kasal na kayo anong next sasabihin mo gusto mo munang makapagtapos si Brian? Ano to natatakot kang mabuntis? Just to remind you Lyal wala kang matris para mabuntis kaya kahit ilang beses pa kayong magchukchakan ng boylet mo hindi ka mabubuntis!" she exclaimed, hindi ko tuloy maiwasang hindi manliit dahil halos lahat ng taong nasa parlor ay sa amin na nakatingin. Well maski din ako ay nagtataka kung bakit wala pa ding nangyayari sa aming dalawa, hindi naman dahil sa hindi ko gusto ayoko lang siyang pilitin sa bagay na hindi pa siya handa at saka nga abala pa siya sa pag-aaral at ayoko naman na makaapekto iyon. Natapos ang araw na iyon na patuloy na nangangantiyaw sa akin ang dalawa kong kaibigan na pasaway, kaya hanggang pag-uwi ay nasa isip ko ang bagay na iyon, sakto naman at sinalubong ako ni Brian na mukhang kanina pa nakauwi at nakapambahay na din. "Welcome back Lyal, mabuti na lang at nakauwi ka na, luto ka naman ng pagkain natin oh please." ang nakangiting salubong sa akin ni Brian na sinalubong pa ako ng halik sa labi. "Sige sandali lang." ang walang kabuhay buhay kong sagot dito, nagpalit lang ako ng pambahay at matapos non ay dumiretso na ako sa kusina, dahil walang masyadong ganang magluto ay nagprito na lang ako ng porkchop matapos magsaing. Mga fiftteen minutes din ang ginugol ko sa pagluluto bago ako natapos at ilang sandali nga lang ay magkasabay na kaming kumakain ni Brian sa hapag-kainan. "Bakit ang tahimik mo ata Lyal, may problema ka ba?" nagulat na lang ako ng biglang magtanong si Brian at nang tignan ko ang mukha nito ay kita ko ang pag-aalala sa guwapo nitong mukha. "Atractive ba ako Brian?" naisip kong itanong dito. "Oo naman napaka-atractive mo nga eh." nakangiting sagot nito habang nginunguya ang pagkain sa bibig nito. "Kung ganoon bakit hindi pa tayo nagsesex?" tanong ko dito at bigla itong nasamid sa naging tanong ko kaya naman agad ko siyang inabutan ng tubig. "Ano ba naman tanong yan Lyal" nauubo nitong tanong sa akin ng mahimasmasan na ito. "Seryoso ako sa tanong ko, hindi ka man lang ba naakit sa akin o kaya naman nalilibugan man lang?" pagpapatuloy ko dito since naopen up ko na naman ay eh di tuloy tuloy ko na. Nagulat na lang ako nang biglang ikulong nito sa dalawang kamay nito ang mukha ko at ilapit ang mukha nito sa mukha ko at ilang pulgada lang ang pagitan sa amin kaya naman kitang kita ko ang maamo nitong mukha. "Siyempre naman pero kaya hindi ko pa hinihingi sayo ang bagay na iyon ay dahil ginagalang kita, gusto ko kapag may mangyari na sa atin ay karapat dapat na ako sa pagmamahal mo para sa akin, iyong meron na akong maipagmamalaki para naman maipagmalaki mo na din ako sa lahat." ang nakangiti nitong sinabi. "La..lagi naman kitang pinagmamalaki eh." ang nauutal kong sinabi dito at lahat ng agam agam ko ay nawala ng halikan ako nito sa labi at kahit walang s*x ay sapat na sa akin ang kaalaman na mahal ako ng taong ito. "Who needs s*x anyway." sa isip isip ko, hindi ko dapat pag-isipan ng masama si Brian dahil sa loob ng dalawang taon ay walang pinakita itong masama sa akin at kahit kailan ay hindi ako nito pinagtaksilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD