-=Lyal's Point of View=-
"Naiinip na ako Roxie ah, sobrang tagal ni Samantha." naiinis kong sinabi ko sa kasama kong si Roxie, kasama ko siya sa parlor na pinagtatrabahuan namin kasama nga ni Samantha na kanina pa namin hinihintay.
Nag-aya kasi ang mga itong manood ng sine at dahil wala naman kaming pasok ngayon sa parlor ay pumayag na ako, ilang beses na din kasi akong patuloy na tumatanggi sa pag-aaya ng dalawang ito kaya naman napilitan na din ako at ng sinabing libre ay agad akong pumayag.
Hindi ko na nga tanda kung kailan pa ang huling nood ko ng sine dahil ang bawat perang nakukuha ko mula sa sahod at sa mga tip mula sa customer ko ay iniipon ko.
At ngayon nga ay hinihintay namin si Samantha na siyang manglilibre sa akin ng ticket, naghihintay kami ngayon sa tapat ng entrance ng SM Annex para mas madali namin itong makita.
Bigla naman nagring ang cellphone na nasa pantalon ko at sakto naman na si Samantha ang tumatawag kaya agad ko iyong sinagot.
"Hoy Samuel kanina pa kami naghihintay ni Roxie dito nasaan ka na ba?" inis kong sinabi dito ng sagutin ko ang tawag nito.
"Aray naman! Hindi ko alam kung nasaktan ako sa lakas ng boses mo o dahil sa pagtawag mo sa tunay kong pangalan." ang maarte naman nitong sinabi na nakapagpailing na lang sa akin, Samuel kasi talaga ang tunay na pangalan nito at katulad ko at ni Roxie pare-pareho kaming mga effem ika nga nila iyong mga bading na nagdadamit ng pambabae, well ganito na kasi ako pinalaki ng mga kinikilala kong ina na parehong crossdresser ng malaman kasi nila na nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki ay agad na nila akong pinagdamit ng pambabae para daw mas mapansin ako ng crush ko at iyon na nga mismo ang nakasanayan ko pero mas kumportable pa din para sa akin ang magsuot ng jeans at dahil medyo nasanay na ng blouse para naman may pagkafeminine touch pa din, samantalang ang kasama kong si Roxie ay kuntodo ang suot pati ang make up eh manonood lang naman kami ng sine.
"Huwag mo nga akong artehan Samantha nasaan ka na ba talaga?" naiinis ko ulit na tanong dito at kahit hindi pa nito sagutin ay nakita ko nang kumakay ito mula sa kanan at as usual kuntodo postura din ang isang ito.
"Ito na nga malapit na." ang huling sinabi nito bago tuluyang ibaba ang tawag nito, napapailing na lang ako na binalik ang tingin kay Roxie ngunit pareho kaming nagulantang ni Roxie nang makarinig kami ng matinis na tili at kilalang kilala namin ang tiling iyon ni Samantha at nang tignan ko ay nakita kong may tumatakbong lalaki na pilit naman hinahabol ni Samantha kasunod ng paghingi nito ng saklolo.
Mabilis akong kumilos para habulin ang naturang snatcher mabuti na lang at mabilis talaga akong tumakbo dahil dating track and field player ako noong high school ako.
Nang mapansin ng snatcher na may humahabol dito ay mas binilisan nito ang pagtakbo ngunit hindi naman ako nagpatalo at binilisan ko din ang pagtakbo ko.
Hindi ko na alam kung gaano katagal ang ginawa naming pagtakbo at nang lumiko ito sa isang eskinita ay agad akong sumunod dito sakto naman na dead end pala ang napuntahan nito kaya nacorner ko na ito.
Bigla ang pagngisi nito nang matitigan ako nito nang maigi na para bang minamaliit nito ang katulad ko.
"Ang tapang mo ding bakla ka ah, baka gusto mong masaktan?" ang pananakot nito sa akin ngunit hindi ako nagpatinag at inobserbahan ko lang ang bawat kilos nito.
"Kung ayaw mong mabahiran yang maganda mong mukha ay lumayo ka na dito." patuloy nito sa pagbabanta at para siguro mas matakot ako ay naglabas na ito nang balisong.
"Puro ka naman satsat bakit hindi ka pa sumugod." pang-iinis ko dito at kitang kita ko kung paano mas bumulasik ang mukha nito sa galit sa tinuran ko, hinanda ko ang sarili ko sa pagsugod nitoa t dahil napaghandaan ko ito ay agad kong naiwasan ang atake nito at agad itong binigyan ng malakas na suntok na tumama sa panga nito, mabilis ang mga kilos ko ng paulanan ko ito ng sunod sunod na suntok, sa mukha, sa sikmura at kung saan pang maabutan ng kamao ko.
"Tama na." pagmamakaawa nito sa akin ng matapos ko itong bugbugin at kusa na nitong binalik ang cellphone ng kaibigan ko, kakabili pa lang naman ni Samantha ng phone na ito massnatch agad.
Sakto naman na may dumaang mga pulis at sila na mismo ang nagdala ng snatcher sa presinto, binalikan ko naman ang mga kaibigan ko sa SM.
Medyo pinagpawisan ako sa paghabol at pakikipagsuntukan sa lokong snatcher na iyon kaya naman sandali muna akong tumigil para habulin ang hininga ko at ilang minuto lang ay nagpatuloy na ako sa paglalakad, natetempt na nga akong sumakay ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi puwedeng mabawasan ang pera ko.
Nang malapit na ako ay kitang kita ko ang patuloy na pag-iyak ni Samantha habang pilit naman siyang inaalo ni Roxie, mabuti na lang talaga at nakasneakers ako kaya naging madali sa akin ang paghabol sa snatcher dahil kung nagkataon na sinunod ko ang sinabi sa akin ni Roxie na magdress din ako ay malamang tuluyan ng nawala ang cellphone ni Samantha.
"May benefits talaga ang pagsusuot ng jeans at sneakers." sa loob loob ko.
"Nahabol mo ba Lyal?" naluluhang tanong sa akin ni Samantha at isang malapad na ngiti ang binigay ko dito sabay abot ng cellphone nito at kitang kita ko kung paano kumislap ang mga mata nito nang malaman na ligtas ang cellphone nito.
"Maraming salamat Lyal iba ka talaga at dahil diyan hindi lang sine ang ililibre ko sayo, ililibre din kita ng popcorn at inumin." ang masaya nitong sinabi at bigla naman akong natuwa dahil at least masesave ko ang perang pambibili ko sana ng popcorn at softdrinks.
"Sabi mo yan ah, tara na nga." aya ko sa mga ito at sabay sabay na kaming pumasok sa naturang mall at naglakad papuntang SM North Edsa na mismong main mall.
Bago bumili ng makakain ay dumaan muna kami sa nakapaskil na mga schedule ng mga palabas.
"Uy sakto may Fast and The Furious 7." ang napapalatak kong sinabi naexcite naman akong panoodin ito dahil talagang sinusubaybayan ko ang palabas na ito sa dvd nga lang kapag nanghihiram ako sa kapitbahay naming nagbebenta ng pirated DVD.
"Ano ba naman yang pinipili mong movie Lyal ano ka tomboy, ito na lang ang panoodin natin You're My Boss." ang suhestiyon naman ni Roxie, bigla akong umiling dahil hindi ako mahilig sa mga romance movie, mas gugustuhin ko pang manood ng mga action movies, ang paborito ko ngang actor ay si Arnold Schwarzenegger, Sylvester Stalone at si Jason Statham.
"Oo nga naman Lyal ang sabi sa akin ng customer ko sa parlor sobrang ganda daw ng movie na ito, sobra daw na nakakakilig sila Toni Gonzaga at Coco Martin." pangungumbinsi din sa akin ni Samantha.
"Alam niyo naman na hindi ako mahilig sa romance eh, kung action pa yan sige lang." patuloy kong pagtanggi dito.
"Alam mo Lyal, ikaw lang ang kilala kong bading na hindi mahilig sa romance." naweweirduhan na sinabi sa akin ni Roxie, eh sa anong magagawa ko kung hindi ko talaga trip ang mga romance movies.
"Sige ganito na lang, manonood muna tayo ng You're My Boss at pagkatapos manonood naman tayo ng Fast and The Furious at huwag kang mag-alala lilibre pa din kita, ikaw ba naman ang nagsave sa bago kong phone." ang nakangiting sinabi sa akin ni Samantha hindi ko tuloy napigilan na yakapin siya.
"Ay ano yan lasunan?" nagulat na lang ako nang may marinig akong nagkomento sa bandang kaliwa ko at nang tignan ko ay nakita ko ang dalawang lalaking magkasama na magkaholding hands pa.
Automatic naman na tumaas ang kanang kilay ko sa narinig mula dito at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nagsalita na ako. "Makalason naman kayo, ang kapal kaya ng foundation niyo sa mukha ano ito foundation day?" insulto ko sa mga ito at kita ko ang inis sa mukha ng mga ito ngunit hindi ako nagpasindak sa snatcher nga lumalaban ako sa dalawa pa kayang ito.
Hindi na din naman nagtagal ang dalawa at mabilis ng umalis nang maramdaman siguro nila na hindi ako papatalo sa mga ito.
"Masyado ka talagang palaaway Lyal." ang sita sa akin ni Roxie.
"Kasi naman Roxie kung hahayaan natin silang apihin tayo ay masasanay yang mga yan." paliwanag ko naman nang nakapila na kami para bumili ng ticket.
Hindi na sumagot ang mga ito at hinayaan na lang ako sa prinsipyo ko, ayoko na kasing may nakikitang bading na inaapi dahil nakita ko ng napagdaanan yan nila Mommy Beth at Mama Luisa, sila ang mag tumayong mga magulang ko at kapareho ko ay crossdresser sila, sila na kasi ang umampon sa akin ng maulila na ako sa mga magulang ko.
Thinking about them made my eyes watery at mukhang napansin naman iyon ni Roxie kaya naman hinawakan ako sa balikat nito.
"Naalala mo na naman ang mga magulang mo no?" tanong nito dahil alam nitong pagdating sa mga magulang ko ay doon ako pinaka emosyonal.
"Oo pero huwag na natin muna silang pag-usapan." ang pakiusap ko dito at mukhang naitindihan naman nito kaya naman pinalampas na lang nito.
Gaya ng inaasahan ay nakatulog ako sa kalagitnaan ng movie at matapos nga noon ay dumiretso naman kami sa kabilang sinehan kung saan pinapalabas ang Fast and The Furious 7 at sobrang astig ng mga eksena kaya naman medyo nalungkot ako ng matapos ang palabas na iyon and at the same time dahil na din naalala ko ng namatay si Paul Walker.
Pauwi na kami at hindi ako makarelate dahil ang patuloy nilang pinag-uusapan ay tungkol pa din sa movie ni Toni at Coco, ni hindi ko man lang maisingit ang isa pa naming pinanood.
"Oh siya maraming salamat sa panglilibre, sa uulitin ah." ang nakangiti kong sinabi sa mga ito at pumasok na sa isang maliit na bahay na inuupahan ko.