Camilla's POV Nakatulala parin ako ngayon sa harap ng isang malaking building habang nakahanda nang tumawid. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng emosyon buong buhay ko. Na para bang sa isang idlap ay gusto ko nang magwala sa oras na makita ko ang mukha ng babaeng hinatid ng asawa ko. Gael is not a friendly man towards other women, and that's what I like about him since the moment we first met. Kaya ganon na lang ang kumpiyansa ko sa aking sarili na hindi ito mangagaliwa. Pero sa isang idlap ay tuluyan itong nawala. "Camilla." Napasinghap ako nang may biglang tumawag sa aking pangalan sabay hawak ng isang kong braso. Nang lingunin ko ito, halos malaglag ang aking panga sa kalsada nang makita ko ito. "Dion?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Ano ang ginagawa niya rito? Ak