Camilla's POV Kinabukasan, wala na kaming masyadong ginagawa sa loob ng resort. Tulad ng aking inaasahan, sa ibang hotel room nga natulog si Bernadette at hindi ko na kailangang itanong pa sa kanya kung sino ang kasama niya buong magdamag. Sa pangalawang araw namin sa resort, nalaman ko na umalis na si Dion. Hindi ko alam kung ano ang rason at bakit biglaan ang pag-alis niya pero hindi ko na 'yon iniisip pa. "Diba magkaibigan kayo ni head engineer? Hindi niya ba nabanggit kung saan siya pupunta?" Rinig kong tanong ni Bernadette sa lalakeng katabi namin dito habang naghihintay sa mga company van na susundo sa amin dahil uuwi na kaming lahat. Kahit medyo naiilang parin ako sa kanilang dalawa dahil sa natuklasan ko kagabi, pinipilit ko paring maging kaswal sa kanilang harapan. "Oo,