Camilla's POV "So, this is where you live." Rinig kong wika ni Dion sa aking tabi habang nakatingin sa malaking bahay na ilang metro ang layo mula dito sa pinaradahan niya ng kanyang kotse. Kaagad kong tinanggal ang seatbelt ng sasakyan bago isinakbit sa aking balikat ang aking bag at binitbit ang aking dala-dalang laptop. "Salamat sa paghatid, sana hindi na maulit," wika ko na ikinangisi niya sa akin. Nagpumulit kasi si Dion na ihatid ako ngayong hatinggabi kahit na kaya ko namang magtaxi. According to him, he promised to drive me back home so he will do it. "Bakit? Takot ka bang mahuli tayo ng asawa mo?" Kaagad akong napahinto nang balak ko na sanang buksan ang pinto ng kanyang Jeep Wrangler. Nang makita niyang nabato ako sa aking kinauupuan, kaagad niyang binawi ang kanyang sinabi