Camilla's POV Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog matapos nang ginawa namin ni Dion dito sa kwarto niya. Habang kinukusot ko ang aking mga mata, dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kanyang kama bago kinuha ang makapal nitong kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Panandalian akong napangiwi nang kumirot ang gitna ng aking hita matapos kong iangat ang isa kong paa. Nasan siya? Bakit ako na lang ang mag-isa dito sa kama niya? Nang mapatingin ako pinto ng kanyang silid na hindi nakasara, kaagad akong may nakitang maliwanag na ilaw mula roon. Awtomatiko namang nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong gabi na. "Ilang oras ba kaming nag-aanohan?" Bulong ko sa aking sarili bago napahilamos sa aking mukha. Dumidikit sa katawan ko ang pabango ni Dion