Camilla's POV "Sobrang family-oriented niyang tao." "He's willing to decline a million-dollar project just to spend holidays or special occasions with his family." Napahilamos ako sa aking mukha bago mabilis na kumuha ng face towel atsaka ito mabilis na pinunasan ang aking mukha. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, parang uminom ako ng limang tasang kape ngayong araw sa bilis. "Let's try not to meddle each other's personal affairs." Napatanga ako sa aking repleksyon sa harapan at hindi maiwasang isa-isang isipin ang mga bagay na unti-unting tumutugma sa pangyayaring nasaksihan ko lang kanina. Kaya ba maagang umalis si Dion kanina sa resort dahil sa anak niya? Was he a divorced man? I don't see any ring in his finger so maybe he really is. Pero yung bata... Diyos ko, nakita