Camilla's POV Anniversary na ngayon ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. At icecelebrate namin ito sa isang malaking resort na naging project na rin namin ilang taon na ang nakakalipas. Kaibigan ni Mr. Gotianuy, ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuan namin, ang may-ari ng resort kaya dito kami magpapalipas ng dalawang araw para sa anniversary. Last year ay hindi ako nakasali dahil may business trip si Gael kasama mga magulang niya at gusto nila akong sumama. Kaya ngayon, matapos kong magpaalam sa asawa ko, pinayagan niya akong sumama dito. "Uy, ano na? Kailan ka lalabas dito sa kwarto natin?" Tanong sa akin ni Bernadette, isa sa mga makakasama ko rito sa hotel room namin. Tig-aapat kami sa iisang kwarto, kaya isa si Bernadette sa kasama ko rito. "Mamaya na, pagkatapos kong m