Camilla’s POV Ilang beses akong napakurap matapos akong halikan ni Dion sa labi. When he noticed the uneasiness I have right now, Dion immediately grinned which made me frown. “Your face looks funny.” Natatawang saad nito dahilan upang inis ko siyang itinulak. “Walangya ka! Hindi nakakatuwa yang mga biro mo.” Sige parin ito sa pagtawa, halatang inaasar talaga ako kaya hindi ko maiwasang magsalubong ang dalawa kong kilay habang nakatingin sa kanya. “Pero aminin mo, nakuha kita don no?” “Wala! Mas lalo lang akong nainis.” “Naiinis ka ba dahil nalaman mong nagbibiro lang ako? O naiinis ka dahil gusto mong totohanin ‘tong meron tayo?” Nang tignan ko si Dion ng deretso sa mata, andon parin yung mapang-asar niyang tingin sa akin dahilan upang irapan ko ito. “Anong ‘meron tayo’? Dion,