Camilla’s POV “Ano ang ibig mong sabihin, Rena? Bakit nadamay dito ang kapatid ko?” Hindi makapaniwala kong saad sa kanya atsaka hindi maiwasang mapatayo ng deretso sa kanyang harapan. “M-Ma’am, alam ko pong mahirap paniwalaan kaya matagal ko po itong itinago sa sarili ko. Hindi ko po alam kung ako lang ang nakakapansin o sadyang palagi ko lang po talaga nahuhuli si Sir Gael.” Mahabang saad nito sa akin habang nakayuko ang kanyang ulo. Ngayon pa lang ang bilis nang tumat*bok ang puso nang dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung iba ang kaba ko ngayon habang nag-uusap kaming dalawa ni Rena. "Bakit nga nadamay ang kapatid ko rito?" Hindi makapaniwalang saad ko parin sa kanya. Hindi ako makakatulog kund hindi ko makukuha ang sagot na gusto ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi na