Camilla’s POV “Dion, hindi mo alam ang pinasok mo.” Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap mula sa aking likuran habang pareho kaming nakatayo sa labas ng sasakyan niya. Dinala ko siya rito matapos ko siyang masolo kanina sa party. Kailangan naming mag-usap ngayon atsaka ko siya sasabihan na huwag pumunta sa kaarawan ko bukas. “I was invited to your birthday, Camilla, who am I to refused?” Aniya habang nakadapo ang tungki ng kanyang ilong sa aking leeg. He’s inhaling my scent. “Andon si Gael. Andon ang asawa ko.” Tuluyan ko nang tinanggal ang pagkakayakap sa akin atsaka ko ito hinarap. He’s looking at me using his tantalizing eyes, pero hindi yan eepekto sa akin ngayon dahil nasa isang seryosong sitwasyon kami ngayon. “So?” “Anong ‘so’? Hindi kayo pwedeng magkrus ng