Camilla's POV Tulad ng aking inaasahan, hindi nga ako tinatantan ni Dion ngayong sumapit na ang gabi. "Mila, inaantok na ako, di ka ba matutulog?" "M-Mauna ka na, Bernadette." "Ano ba kasi 'yang ginagawa mo diyan sa loob ng banyo?" "N-Nagjejebs ako! May diarrhea ata ako ngayon." "Yuck! Huwag kang lumabas diyan kung di ka pa talaga tapos." "Oo! Kaya mauna ka nang matulog." Hindi ko na narinig ang kaluskos sa labas ng pinto ng banyo dito sa silid ko. Lagpas alas dose na ng hating gabi pero heto at nasa loob ako ng banyo. Napatampal ako sa aking noo sa kagag*hang ginawa ko kanina. Kung sana hindi mo pinatulan yung tao, edi hindi ka magsesend ng nude pic ngayon! Napepressure tuloy ako, feeling ko hindi ako maganda sa pic. Tsaka ito ang unang beses na magsesend ako ng nude pic! M