Camilla's POV
"s*x is really good! Trust me! Nawawala ang stress mo sa bagay na 'yan."
"Sinabi mo pa!"
Napuno ng tawa ang VIP room kung nasaan kami ngayon ng mga kasamahan ko sa trabaho. I'm an architect and I'm with my kind of people.
Nagsitawanan sila habang nag-uusap tungkol sa bagay na 'yon.
Tuwing sabado ng gabi, lumalabas talaga kami ng mga kasamahan ko. Kung hindi kami magbabar, magkakaraoke naman kaming lahat.
Pero minsan ay hindi ko sila nakakasama dahil mas pinipili kong umuwi sa bahay. But for now... I need to freshen up.
"Mila! Uminom ka pa! Paano ka masasanay niyan kung panay light drinks lang ang iniinom mo?" Kanchaw ng kasama kong si Bernadette, ang isa sa pinakamadaldal at expert sa s*x kong kasama sa trabaho.
Single siya hindi dahil sa walang may lakas na loob na ligawan ito, kundi siya mismo ay ayaw sa tinatawag nating 'commitment'.
Kung may playboy, siya naman ang dakilang playgirl ng grupo namin.
Inabot niya sa'kin ang isang shot ng tequila at isang lemon bago ako tinabihan rito sa pabilog na sofa.
"Oh heto, ubosin mo 'to ha? Dapat isang lagok lang!" Tinanggap ko ang baso mula sa kanya pati na yung lemon mismo.
"Shot! Shot! Shot!" Wika ni Bernadatte habang nakangiting nakatingin sa akin.
"Shot! Shot! Shot!" At sinabayan na rin siya ng mga kasamahan namin. Lahat sila ay nakatingin na sa'kin at halatang hinihintay ang susunod kong gagawin.
Kaagad akong napapikit ng madiin atsaka nilagok ang alak. Awtomatikong uminit ang aking leeg nang dumaloy ang likido sa aking lalamunan.
Kinagat ko kaagad ang lemon at mabilis na inilapag ang shot glass sa ibabaw ng mesa.
"Yan! Ganyan dapat!" Natutuwang wika ni Bernadette habang ako naman ay kaagad na napainom ng juice para mawala ang pait.
"A-Ang pangit ng lasa." Ngayon lang ako nakainom ng tequila kaya ganito ang reaskyon ko.
"Siyempre, first time mo eh." Natatawa nitong saad bago ako inakbayan.
"Ikaw ha, kanina pa kitang napapansin na wala sa sarili. May nangyari na naman ba sa inyong dalawa ng asawa mo?" Bulong sa akin ni Bernadette dahilan upang makuha niya kaagad ang atensyon ko.
"W-Wala."
"Aysus! Wala raw, nako Mila, kahit ilang beses mo pang itanggi, basang-basa na kita. Ilang taon na tayong magkasama sa trabaho kaya hindi mo na ako maloloko."
Naikagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ko 'yon mula sa kanya. I took the tequila bottle and put some of the alcohol inside the shot glass.
Nang makita ni Bernadette ang kasunod kong ginawa, manghang-mangha itong napatingin sa akin.
Halos hindi naman maipinta ang aking mukha sa sobrang pangit ng lasa ng inuming ito. Ang mahal-mahal pero sobrang pangit ng lasa talaga.
"Hulaan ko, ganon parin noh?" Aniya sabay siko sa akin atsaka mas lalong inilapit ang kanyang bibig sa aking tainga.
"Ayaw makipagsiping sa'yo." Bulong niya bago tuluyang lumayo sa akin.
Napabuga ako ng hangin bago napakibit-balikat atsaka sumandal sa aming kinauupuan. Abala ang mga kasama namin sa kanilang pinag-uusapan at pag-iinom kaya ayos lang sa'kin na makipag-usap kay Bernadette tungkol sa bagay na 'to ngayon.
Tsaka isa pa, kailangan ko rin talaga ng makakausap tungkol dito dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Nako-nako, baka bakla 'yang asawa mo, Mila ha? Ilang taon na kayong kasal pero ayaw paring makipagsex sa'yo." Maingat niyang bulong sa akin bago nilagok ang alak mula sa mismong bote neto.
Hindi na basta-bastang nalalasing ang babaeng 'to kaya hindi ko kailangang mag-alala sa kanya.
Kinailangan pa siguro nitong uminom ng isa o dalawang balde ng alak bago tuluyang malasing.
"Malabo ang sinasabi mo, Bernadette, lalakeng-lalake ang asawa ko."
"Ay sis, di ka sure diyan. Kung talagang lalakeng-lalake ang asawa mo, bakit ayaw ka niyang galawin? Wag mo sabihin sa'kin na malaki lang ang respeto niyan sa'yo, Mila. Ang lalake, nagpapakalalake talaga 'yan." Napabuga ulit ako ng hangin sa sinabi niya.
Kumuha ito ng pulutan atsaka ito basta-bastang ipinasok sa kanyang bibig bago muling magsalita.
"Tayo ang tukso nila. Maghubad ka lang sa harapan nila, bibigay kaagad 'yan. Kaya 'yang asawa mo? Nako, kung hindi 'yan bakla, aba eh baka nabaliw na 'yan sa ibang tahong kaya ayaw ng tumikhim ng iba."
Napaderetso ako ng upo nang marinig ko 'yon mula sa kanya.
"Camilla, maganda ka, sexy, matalino, mabait, kaya ano pang pinuputok ng buchi niyang asawa mo at ayaw ka niyang angkinin? Kaloka, nasestress ako sa buhay mag-asawa niyo ha?" Komento niya pa.
Ni kahit isang beses ay hindi sumagi sa isipan ko ang posibilidad na 'yan, na pwedeng may ibang babae ang asawa kong si Gael.
Hindi talaga.
"Kung hindi kayang gampanan ng asawa mo ang tungkulin niya sa'yo, aba sis! Baka sign mo na 'to para hanapin 'yan sa iba. If Gael can't satisfy you, I know someone else can." Napaderetso ako ng tingin sa kanya nang sabihin niya 'yon.
Nakangisi sa akin si Bernadette atsaka itinaas-baba ang kanyang dalawang kilay.
"You've been waiting for too long already. You've been virgin for too long, Mila. Diyos ko, kung ako ang nasa posisyon mo, matagal ko ng iniwan 'yang si Gael at naghanap na ng iba."
May punto rin ito tungkol sa paghihintay ko sa bagay na 'yan. I've been preparing myself for too long, pero hanggang ngayon tinatanggiha parin ako ng asawa ko.
Kaya misan, kung gagawin niya 'yan, hindi ko maiwasang kuwestiyunin ang sarili ko.
Ang sakit kaya sa pakiramdam na tinatanggihan ka.
Biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip at nang dahil na rin sa alak dahil mabilis kong inagaw mula kay Bernadette ang tequila atsaka rin itong tinungga.
Hindi naman siguro magagawa ni Gael 'yon, hindi ba? Ang tungkol sa pangagaliwa.
Matino siyang lalake, kaya hindi siya mangangaliwa. Maayos siyang pinalaki ng mga magulang niya at maayos ko rin siyang tinrato bilang isang lalake at asawa.
Ginugulo lang ni Bernadette ang isip ko ngayon kaya hindi dapat ako nagpapadala.
"H-Huy, Mila, nagbibiro lang ako. Wag mo masyadong seryosohin." Muli niyang binawi ang bote ng alak mula sa akin.
"Tong babaeng 'to talaga." Napangiwi ito nang makita niyang marami-rami ang naitungga ko.
"Diyan ka lang muna ha? Wag kang aalis dito dahil mukhang... lasing ka na ata." Rinig kong wika niya habang ako naman ay pasimpleng napasandal ulit dahil sa tuwing titingin ako sa ibang direksyon parang mahihilo kaagad ako.
Pero hindi nagtagal ay kaagad akong napatayo para magbanyo.
Naiihi ako kaya kailangan kong umalis dito sa VIP room namin. Dahan-dahan lang ako kung magalakad dahil baka tuluyan akong matumba.
Pagkabukas ko ng pinto ay kaagad na bumulaga sa akin ang malakas na tugtog ng buong club. Napahawak ako sa aking ulo at panandaliang napahinto dahil biglang umikot ang aking paningin.
Nakahawak lang talaga ako sa gilid habang binabaybay ko ang daan papuntang banyo.
May mga tao pa akong nababangga kaya mas lalo akong nahihilo dahil sa impact.
"K-Kailangan kong magbanyo..." Bulong ko sa aking sarili bago napahawak sa pader nang muntikan na akong matumba.
Napamura ako ng sa pagtayo ko ng matuwid ay may biglang bumangga sa akin mula sa likuran dahila upang mabilis akong napahawak ulit sa pader atsaka mahigpit na napakapit doon.
Pero ang buong akala kong pader ay hindi pala talaga isang pader.
Kundi isang...
isang...
"Ang laki mo..."
Ha? A-Ako ba yung nagsasalita?
"Miss, are you drunk?" Hindi ko masyadong nasisilayan ang mukha niya dahil medyo madilim dito pero ang boses niya...
Ang sarap pakinggan ng boses niya.
Mas lalo kong idiniin ang aking kamay sa kanyang dibdib.
"Ang tigas mo..."
A-Ano ba ang nangyayari sa'kin?!
"You're clearly drunk, miss."
"No... I'm not drunk."
Hindi ko na alam kung bakit bigla-biglang lumalabas mula sa aking bibig ang mga salitang 'yan. Hindi naman ako ganito kung magsalita!
"Okay, now can you get your hands off me?"
"No."
B-Bakit ako tumatanggi?! Camilla, gumising ka! Gising!
"God, I don't have time for this." Rinig kong bulong nito sa kanyang sarili bago hinawakan ang magkabila kong braso.
"Listen, get back to where you belong coz I'm leaving." Suplado nitong wika bago ako nilagpasan pero hindi ko alam kung bakit hawak-hawak ko ang braso niya ngayon dahilan upang mapahinto ito.
"Ang lalake, nagpapakalalake talaga 'yan."
Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isipang ko ang sinabi ni Bernadette kanina.
"L-Lalake ka ba?" Tanong ko sa kanya habang mahigpit paring nakahawak sa kanyang braso.
"What kind of question is that?"
"Sagutin mo na lang ako."
"Are you blind? Of course, I am." Suplado ulit nitong wika dahilan upang mapalunok ako.
"Tayo ang tukso nila. Maghubad ka lang sa harapan nila, bibigay kaagad 'yan."
Hindi ko alam kung bakit bigla kong ibinaba ang strap ng suot kong dress sa kanyang harapan.
"What the hell are you doing?"
Inabot ko ang zipper ng aking suot na dress mula sa likuran.
"Hey."
Nang maikapa ko 'yon ay kaagad ko itong ibinaba.
Ngunit ng tuluyan ko itong naibaba at nakahanda ng maghubad sa kanyang harapan nang bigla niya akong hinila sa gilid.
"Are you out of your mind?!" Rinig kong sabi niya kasunod ng pagtulak niya sa akin sa pader.
"Jesus christ! Are you planning to get undress in front of me? In front of these people?" Buong diin nitong saad habang nakadikit ang katawan niya sa katawan ko.
He's hovering all over me. Ang matigas at malaki niyang pangangatawan na nakadikit sa akin ay ang dahilan kung bakit bigla akong nakaramdam ng panginginit ng aking katawan.
"Isama mo 'ko." Kaagad kong napahawak sa suot niyang polo atsaka ito tiningala.
Hindi ko parin naaaninag ang kanyang mukha ngayon pero ramdam kong nakatingin ito sa akin.
"Isama mo 'ko pauwi, gusto kong sumama sa'yo."
"If Gael can't satisfy you, I know someone else can."
Maybe... maybe this man can. Maybe this man can satisfy me.
I've been waiting for so long. Tama na ang paghihintay ko. Tama na.
"What can I get in return?" Rinig kong bulong nito sa akin habang nakadikit parin ang kanyang katawan sa akin.
"Anything you want."
"Anything I want?"
"Yes... anything."
"Sounds like a good deal."
Bigla niyang isinara ang zipper ng aking dress atsaka ako hinila paalis ng sulok. Ang malaki at malakas niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko habang hinihila ako paalis ng club atsaka ako inuwi sa lugar niya.