The Golden Fairy

483 Words
This is my first story so expect loopholes, errors and etc. Medyo flawed pa ang story na ito, I admit. Anyways... Enjoy! :) ◾◾◾◾ PROLOGUE Prisoner. Iyan ang tingin ko sa akin at hindi bilang isang anak ng Royal mafia--it was like I was being held captive. Mula sa mataas na tore na bahagi ng aming malahiganteng mansyon ay dumungaw ako upang tignan ang ibaba, lunes hanggang biyernes ay nakakulong ako sa toreng kwarto na ito na halos mapalibutan na ng samu't saring libro na siya namang binabasa ko. Sabado at linggo naman ang tanging pagkakataon ko upang makalabas dito at makasama ang aking ina. Sawang-sawa na ako sa buhay ko rito dahil halos sa araw araw ay pare-pareho lang ang nangyayari. Mula rito sa kinatatayuan ko ay kita ko ang aking ama na pasakay pa lang ng kaniyang itim na kotse kasama ang kaniyang kabit na si Grizelda. Pakiramdam ko tuloy ay sadyang inanakan niya lang ang aking ina, at ako naman bilang bunga ay kinulong niya sa toreng ito upang mas magpakadalubhasa pa. 'A ruler doesn't need to be physically strong, you just need to be a genius and think how to manipulate and destroy those people around you by the power of such mind' tanda ko pang sabi ng ama. Pero mamayang gabi mismo magbabago na ang lahat, ang aking kapalaran. Kabisado at kalkulado ko na ang bawat galaw ng mga tauhan sa loob ng lupaing ito. Pasado alas dose na ng gabi nang narinig kong bumukas ang pinto sa ibaba ng tore. Mabilis akong nagtago sa likod ng pinto nito at pinatay ang ilaw, nakita ko pang pumasok ang isang maid paakyat para silipin ako roon. Bago pa man niyang mapagtantong wala ako sa loob ay mabilis akong tumakbo palabas ng tore para tumakas. Tinahak ko ang daan papunta sa gubat at di pa man din ako nakakalayo ay umalingawngaw na ang tunog ng sirena-l —hudyat na nawawala ang golden fairy... Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit na kung saan-saan sumasabit ang aking itim na bestida pero hindi ko na yun ininda pa, dahil ang mahalaga ay makarating ako sa dulo nito kung saan may naghihintay sa akin. 'Goodbye mom...' Bulong ko. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo nang makarinig ng ilang kaluskos sa aking likuran. I pushed my limbs to its limits just to make my run faster and faster until my feet turned numbed. Hindi dapat masayang ang lahat ngayon... Sinundan ko ang liwanag na nakikita ko mula sa dulo ng gubat marahil ay iyon na ang naghihintay sa akin. Pagkadating sa dulo kung saan isang itim na kotse ang nakaparada ay lumabas ang lalaking may kaedaran na. Kahit hingal na hingal ako sa sobrang pagtakbo ay pinilit kong aninagin ang kaniyang mukha. "Milady." Pagbow niya sa harapan ko. Halos magtigil ang aking paghinga ng muli kong narinig ang kaniyang boses. Tila ba isa lang panaginip ang lahat. "Chief." Huli kong sabi bago pa lamunin ng dilim ang aking paningin. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD